Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

06 Marso 2018

Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Ikalawang bahagi)


Mga pagbabasa at pagsasalaysay ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Ikalawang bahagi)

   

    Ang gawain ng Diyos Mismo ay ang pangitain na dapat malaman ng tao, sapagka’t ang gawain ng Diyos ay hindi matatamo ng tao, at hindi tinataglay ng tao. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ang kabuuan ng pamamahala ng Diyos, at walang mas dakilang pangitain ang dapat pang malaman ng tao. Kung hindi alam ng tao ang makapangyarihang pangitaing ito, kung gayon hindi madali na makilala ang Diyos, at hindi madaling maintindihan ang nais ng Diyos, at, bukod dito, ang landas na nilalakaran ng tao ay nagiging pahirap nang pahirap. Kung walang mga pangitain, ang tao ay hindi kakayaning makarating sa ganito kalayo. Ang mga pangitain ang nag-ingat sa tao hanggang ngayon, at nagbigay ng pinakamalaking pag-iingat sa tao. Sa hinaharap, ang inyong pagkakilala ay dapat lumalim, at dapat ninyong malaman ang kabuuan ng Kanyang kalooban at ang sangkap ng Kanyang matalinong gawain sa tatlong mga yugto ng gawain. Ito lamang ang inyong tunay na tayog. Ang huling yugto ng gawain ay hindi tumatayong mag-isa, bagkus ito ay bahagi ng kabuuan na hinulma kasama ng dalawang naunang mga yugto, ibig sabihin nito ay imposibleng maganap ang kabuuang gawain ng pagliligtas sa pamamagitan lamang ng paggawa ng isa sa tatlong mga yugto ng gawain. Kahit na ang huling yugto ng gawain ay kayang lubos na iligtas ang tao, hindi ibig sabihin na kailangang ipatupad lamang itong nag-iisang yugto nang mag-isa, at na ang dalawang naunang mga yugto ng gawain ay hindi kinakailangan para iligtas ang tao mula sa impluwensya ni Satanas. Walang nag-iisang yugto sa tatlong mga yugto ang maaaring itaas bilang ang tanging pangitain na dapat malaman ng buong sangkatauhan, sapagka’t ang kabuuan ng gawain ng pagliligtas ay ang tatlong mga yugto ng gawain, hindi ang isang yugtong kabilang sa kanila. Habang ang gawain ng pagliligtas ay hindi pa natatapos, ang pamamahala ng Diyos ay hindi makakarating sa ganap na katapusan. Ang kabuuan, disposisyon, at karunungan ng Diyos ay inihahayag sa buong gawain ng pagliligtas, hindi ibinunyag sa tao sa pinakasimula, nguni’t unti-unting nahahayag sa gawain ng pagliligtas. Ang bawa’t yugto ng gawain ng pagliligtas ay naghahayag ng bahagi ng disposisyon ng Diyos, at bahagi ng Kanyang kabuuan; hindi lahat ng yugto ng gawain ay maaaring tuwiran at ganap na maghayag ng kabuuan ng pagiging-Diyos. Dahil dito, ang gawain ng pagliligtas ay maaari lamang matupad nang lubusan kapag ang tatlong mga yugto ng gawain ay naganap na, at sa gayon ang kaalaman ng tao tungkol sa kabuuan ng Diyos ay di-maihihiwalay mula sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos. Ang natatamo ng tao mula sa isang yugto ng gawain ay tanging ang disposisyon ng Diyos na inihayag sa iisang bahagi ng Kanyang gawain. Hindi nito makakatawan ang disposisyon at kabuuan na inihayag sa mga yugto bago o pagkatapos nito. Iyan ay dahil sa ang gawain ng pagliligtas sa sangkatauhan ay hindi matatapos agad sa isang panahon, o sa isang lugar, kundi unti-unting nagiging mas malalim ayon sa antas ng pagsulong ng tao sa iba’t-ibang panahon at mga lugar. Ito ay gawain na isinasakatuparan sa mga yugto, at hindi natatapos sa iisang yugto. Sa gayon, ang buong karunungan ng Diyos ay pinagbubuu-buo sa tatlong mga yugto, sa halip na sa isang indibiduwal na yugto. Ang Kanyang kabuuan at buong karunungan ay inilatag sa tatlong mga yugtong ito, at ang bawa’t yugto ay naglalaman ng kabuuan Niya, at ito ay talâ ng karunungan ng Kanyang gawain. Dapat malaman ng tao ang buong disposisyon ng Diyos na inihayag sa tatlong mga yugtong ito. Lahat nitong tungkol sa kabuuan ng Diyos ay ang sukdulang pinakamahalaga sa buong sangkatauhan, at kung ang mga tao ay wala nitong kaalamang ito kapag sumasamba sila sa Diyos, kung gayon sila ay walang pagkakaiba sa mga sumasamba kay Buddha. Ang gawain ng Diyos sa gitna ng tao ay hindi itinatago sa tao, at dapat malaman ng lahat niyaong mga sumasamba sa Diyos. Dahil tinupad ng Diyos ang tatlong mga yugto ng gawain ng pagliligtas sa gitna ng tao, dapat malaman ng tao ang kahayagan ng kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya sa panahon ng tatlong mga yugtong ito ng gawain. Ito ang dapat na gawin ng tao. Ang itinatago ng Diyos sa tao ay yaong hindi kayang makamtan ng tao, at yaong mga bagay na hindi dapat malaman ng tao, samantalang yaong mga ipinakikita ng Diyos sa tao ay yaong mga dapat malaman ng tao, at yaong mga dapat taglayin ng tao. Ang bawa’t isa sa tatlong mga yugto ng gawain ay isinasakatuparan salig sa naunang yugto; hindi ito isinasakatuparan nang paisa-isa, na hiwalay sa gawain ng pagliligtas. Kahit na mayroong mga malalaking pagkakaiba sa kapanahunan at uri ng gawain na isinasakatuparan, sa ubod nito ay ang kaligtasan pa rin ng sangkatauhan, at ang bawa’t yugto ng gawain ng pagliligtas ay mas malalim kaysa nauna. Ang bawa’t yugto ng gawain ay nagpapatuloy mula sa saligan ng huling sinundan, na hindi binuwag. Sa ganitong paraan, sa Kanyang gawain na laging bago at hindi naluluma, ang Diyos ay laging nagpapahayag ng aspeto ng Kanyang disposisyon na hindi kahit kailan naihahayag sa tao, at laging ibinubunyag sa tao ang Kanyang bagong gawain, at ang Kanyang bagong kabuuan, at kahit na ang mga relihiyosong konserbatibo ay gawin ang sukdulan para labanan ito, at hayag na sinasalungat ito, ang Diyos ay laging gumagawa ng bagong gawain na hinahangad Niyang gawin. Ang Kanyang gawain ay laging nagbabago, at dahil dito, ito ay laging sinasalubong ng pagsalungat ng tao. Gayon din, ang Kanyang disposisyon ay laging nagbabago, tulad ng kapanahunan at mga tagatanggap ng Kanyang gawain. Bukod dito, Siya ay laging gumagawa ng gawain na hindi pa kailanman nagawa noong una, at nagsasakatuparan din ng gawain na sa tao ay tila sumasalungat sa gawain na natapos na dati, upang salungatin ito. Ang kaya lamang ng tao ay tumanggap ng isang uri ng gawain, o isang uri ng pagsasagawa. Mahirap para sa tao ang tumanggap ng gawain, o mga paraan ng pagsasagawa, na laban sa kanila, o mas mataas sa kanila—nguni’t ang Banal na Espiritu ay laging gumagawa ng bagong gawain, at sa gayon ay lumilitaw ang pangkat-pangkat ng mga dalubhasa sa relihiyon na kumokontra sa bagong gawain ng Diyos. Ang mga taong ito ay naging “mga dalubhasa” tiyakang dahil ang tao ay walang kaalaman tungkol sa kung paano ang Diyos ay laging bago at hindi kailanman naluluma, at walang kaalaman tungkol sa mga prinsipyo ng gawain ng Diyos, at, higit pa rito, walang kaalaman sa maraming mga paraan kung paano inililigtas ng Diyos ang tao. Dahil dito, hindi lubos na masabi ng tao kung ito ay gawain na galing sa Banal na Espiritu, at kung ito ay gawain ng Diyos Mismo. Maraming tao ang nakakapit sa pag-uugali na, kung ito ay umaayon sa mga naunang salita, kung gayon tinatanggap nila ito, at kung mayroong mga pagkakaiba sa mga naunang gawain, kung gayon sinasalungat at tinatanggihan nila ito. Ngayon, hindi ba kayong lahat ay sumusunod sa mga prinsipyong ito? Ang tatlong mga yugto ng gawain ng pagliligtas ay hindi nagkaroon ng malaking epekto sa inyo, at mayroon yaong mga naniniwala na ang naunang dalawang yugto ng gawain ay isang pasanin na hindi na kailangang alamin pa. Iniisip nila na ang mga yugtong ito ay hindi dapat ipahayag sa mga masa at dapat na bawiin sa lalong madaling panahon, upang ang mga tao ay hindi magimbal ng nakalipas na dalawang mga yugto sa tatlong mga yugto ng gawain. Karamihan ay naniniwala na ang paghahayag sa dalawang nakalipas na yugto ng gawain ay lubusang hindi kailangan, at hindi nakatutulong sa pagkilala sa Diyos—iyan ang iniisip ninyo. Ngayon, naniniwala kayong lahat na wasto ang ganitong pagkilos, nguni’t ang araw ay darating na matatanto ninyo ang kahalagahan ng Aking gawain: Alamin na hindi Ako gumagawa ng anumang gawain na walang kabuluhan. Dahil Ako ay naghahayag ng tatlong mga yugto ng gawain sa inyo, kaya dapat maging kapakipakinabang ang mga iyon sa inyo; dahil ang tatlong mga yugto ng gawaing ito ay nasa kaibuturan ng buong pamamahala ng Diyos, kaya ang mga iyon ay dapat maging tuon ng lahat sa buong sansinukob. Isang araw, matatanto ninyong lahat ang kahalagahan ng gawaing ito. Alamin na sinasalungat ninyo ang gawain ng Diyos, o ginagamit ang inyong sariling mga pagkaintindi upang sukatin ang gawain ngayon, dahil hindi ninyo alam ang mga prinsipyo ng gawain ng Diyos, at dahil hindi ninyo siniseryoso nang husto ang gawain ng Banal na Espiritu. Ang inyong pagsalungat sa Diyos at paghadlang sa gawain ng Banal na Espiritu ay sanhi ng inyong mga pagkaintindi at likas na kayabangan. Hindi ito dahil sa ang gawain ng Diyos ay mali, kundi dahil kayo ay likas na mga napakasuwail. Matapos masumpungan ang kanilang paniniwala sa Diyos, hindi man lamang masabi ng ibang tao nang may kasiguruhan kung saan nanggaling ang tao, bagkus malakas ang loob nilang gumawa ng mga pampublikong talumpati na sinusukat ang mga tama at mali sa gawain ng Banal na Espiritu. At pinagsasabihan pa nila ang mga apostol na may bagong gawain ng Banal na Espiritu, nagpapasa ng puna at nagsasalita nang wala sa lugar; ang kanilang pagkatao ay masyadong mababa, at walang kahit kaunting katinuan sa kanila. Hindi ba darating ang araw kung kailan ang mga taong ganoon ay itinakwil ng gawain ng Banal na Espiritu, at sinunog ng mga apoy ng impiyerno? Hindi nila alam ang gawain ng Diyos, nguni’t sa halip ay pinipintasan pa ang Kanyang gawain, at sinusubukan ding turuan ang Diyos kung paano gagawa. Paano ba makikilala ng ganoong di-makatwirang mga tao ang Diyos? Nakikilala ng tao ang Diyos habang hinahanap at nararanasan Siya; hindi sa pamamagitan ng pagpintas sa Kanya ayon sa kapritso na nakikilala niya ang Diyos sa pamamagitan ng pagliliwanag ng Banal na Espiritu. Kung mas tiyak ang pagkakilala ng tao tungkol sa Diyos, mas hindi nila Siya sinasalungat. Sa kaibahan, kapag mas kaunti ang pagkakilala ng tao sa Diyos, mas lalo nila Siyang sasalungatin. Ang iyong pagkaintindi, ang iyong lumang kalikasan, at ang iyong katauhan, asal at moral na pananaw ay ang “puhunan” na ipinanlalaban mo sa Diyos, at habang ikaw ay mas tiwali, hamak at mababa, mas kaaway ka ng Diyos. Silang mga nagtataglay ng nakahahapis na mga pagkaintindi at mayroong sariling-pagkamatuwid na disposisyon ay mas lalong kaaway ng Diyos na nagkatawang-tao, at ang mga taong ganoon ay ang mga anticristo. Kung ang iyong mga pagkaintindi ay hindi naitama, kung gayon ang mga ito ay laging magiging laban sa Diyos; hindi ka kailanman magiging angkop sa Diyos, at laging malalayo sa Kanya.
    Sa pamamamagitan lamang ng pagsasantabi ng iyong lumang mga pagkaintindi makakamtan mo ang bagong kaalaman, datapwa’t ang lumang kaalaman ay hindi kailangang mga lumang pagkaintindi. Ang “mga pagkaintindi” ay tumutukoy sa mga bagay na nawari ng tao na taliwas sa katotohanan. Kung ang lumang kaalaman ay laos na sa lumang panahon, at pinigilan nito ang tao sa pagpasok sa bagong gawain, kung gayon ang ganoong kaalaman ay isa ring pagkaintindi. Kung kayang tahakin ng tao ang tamang paglapit sa ganoong kaalaman, at kayang makilala ang Diyos mula sa iba’t-ibang aspeto, pinagsasama ang luma at ang bago, kung gayon ang lumang kaalaman ay nagiging tulong sa tao, at nagiging batayan ng kung paano ang tao ay pumapasok sa bagong kapanahunan. Ang aral sa pagkilala sa Diyos ay nangangailangan sa iyo na maging dalubhasa sa maraming prinsipyo: paano pumasok tungo sa landas para makilala ang Diyos, aling mga katotohanan ang dapat mong maintindihan upang makilala ang Diyos, at kung paano gawin ang inyong mga pagkaintindi at lumang kalikasan na magpailalim sa lahat ng mga pagsasaayos ng bagong gawain ng Diyos. Kung ginagamit mo ang mga prinsipyong ito bilang saligan para sa pagpasok tungo sa aral ng pagkilala sa Diyos, kung gayon ang iyong pagkakilala ay magiging mas palalim nang palalim. Kung ikaw ay may malinaw na kaalaman sa tatlong mga yugto ng gawain—na sa madaling salita, sa buong plano ng pamamahala ng Diyos—at kung kaya mong lubusang iugnay ang naunang dalawang yugto ng gawain ng Diyos sa pangkasalukuyang yugto, at makikitang ito ay gawaing ginawa ng isang Diyos, kung gayon hindi ka magkakaroon ng mas matibay na saligan. Ang tatlong mga yugto ng gawain ay ginawa ng isang Diyos, ito ang pinakadakilang pangitain, at ito ang tanging daan upang makilala ang Diyos. Ang tatlong mga yugto ay maaari lamang magawa ng Diyos Mismo, at walang tao ang kayang gumawa ng gawaing iyon sa pangalan Niya—na ibig sabihin ang Diyos Mismo lamang ang makagagawa ng Kanyang sariling gawain mula sa umpisa hanggang sa ngayon. Kahit ang tatlong mga yugto ng gawain ng Diyos ay naisakatuparan sa magkakaibang mga kapanahunan at mga lugar, at kahit na ang gawain ng bawa’t isa ay magkakaiba, lahat nang ito ay ginawa ng isang Diyos. Sa lahat ng mga pangitain, ito ang pinakadakilang pangitain na dapat malaman ng tao, at kung ito ay maaaring ganap na maintindihan ng tao, kung gayon siya ay makakatayo nang matibay. Ngayon, ang pinakamalaking suliranin na hinaharap ng lahat ng mga denominasyon at mga sekta ay na hindi nila alam ang gawain ng Banal na Espiritu, at sila ay walang kakayanang makita ang kaibahan sa pagitan ng gawain ng Banal na Espiritu at gawain na hindi sa Banal na Espiritu—at sa gayon hindi nila masabi kung ang yugto ng gawaing ito ay, tulad ng dalawang lumipas na gawain, ginawa rin ng Diyos na Jehova. Kahit na sinusunod ng mga tao ang Diyos, karamihan ay hindi pa rin masabi kung ito ay ang tamang paraan. Ang tao ay nag-aalala kung itong paraan ay ang paraan na pinangungunahan ng Diyos Mismo, at kung ang pagkakatawang-tao ng Diyos ay tunay, at karamihan ng mga tao ay wala pa ring palatandaan tungkol sa kung paano umarok pagdating sa mga bagay na ganoon. Yaong mga sumusunod sa Diyos ay hindi mapagpasiyahan ang paraan, kaya’t ang mga mensahe na binibigkas ay mayroon lamang bahagyang epekto sa gitna ng mga taong ito, at hindi kayang maging lubusang epektibo, sa gayon ito ay nakakaapekto sa buhay ng mga taong ganoon. Kung nakikita ng tao sa tatlong mga yugto ng gawain na ang mga iyon ay isinasakatuparan ng Diyos Mismo sa iba’t ibang panahon, sa iba’t-ibang lugar, at sa iba’t-ibang tao, kung gayon makikita ng tao na,[a] kahit iba ang gawain, lahat ng ito ay ginawa ng isang Diyos. Dahil ito ay gawain na ginawa ng isang Diyos, kung gayon tiyak na ito ay wasto, at walang kamalian, at kahit ito ay kontra sa mga pagkaintindi ng tao, hindi maipagkakaila na ito ay gawain ng isang Diyos. Kung tiyak na masasabi ng tao na ito ay gawain ng isang Diyos, sa gayon ang mga pagkaintindi ng tao ay magiging walang-kabuluhan, hindi karapat-dapat na banggitin. Dahil ang mga pananaw ng tao ay malabo, at kilala lamang ng tao si Jehova bilang Diyos, at si Jesus bilang ang Panginoon, at nahahati sa dalawang pag-iisip tungkol sa Diyos na nagkatawang-tao ngayon, maraming tao ang nananatiling tapat sa gawain ni Jehova at Hesus, at sila ay nakakulong sa mga pagkaintindi tungkol sa gawain ngayon, karamihan ng tao ay laging nagdududa, at hindi sineseryoso ang gawain ng ngayon. Walang mga pagkaintindi ang tao tungo sa mga huling dalawang yugto ng gawain, na hindi nakikita. Iyan ay dahil hindi nauunawaan ng tao ang katotohanan ng mga huling dalawang yugto ng gawain, at hindi nasaksihan nang personal ang mga iyon. Ito ay dahil sa hindi makita ang mga ito kaya ginuguni-guni ng tao kung ano ang gusto niyang isipin; kahit ano pa ang mawari niya, walang mga katunayan na magpapatunay dito, at walang sinumang magtutuwid dito. Pinalalaya ng tao ang kanyang likas na kinasanayan, hindi nag-iingat at pinakakawalan ang kanyang imahinasyon, dahil walang mga katunayang magpapatotoo dito, at sa gayon ang mga naguguni-guni ng tao ay nagiging “katunayan,” di-alintana kung may anumang patunay sa mga iyon. Sa gayon naniniwala ang tao sa kanyang sariling naguni-guning Diyos sa kanyang isipan, at hindi hinahanap ang Diyos ng katotohanan. Kung ang isang tao ay may isang uri ng paniniwala, kung gayon sa isandaang tao mayroong isandaang uri ng paniniwala. Ang tao ay nagtataglay ng mga ganoong paniniwala dahil hindi niya nakikita ang katotohanan ng gawain ng Diyos, dahil naririnig lamang ito ng kanyang mga tainga at hindi nakikita ng kanyang mga mata. Naririnig ng tao ang mga alamat at mga kuwento—nguni’t bihira niyang naririnig ang kaalaman tungkol sa mga katunayan ng gawain ng Diyos. Sa pamamagitan ng kanilang sariling mga pagkaintindi kaya ang mga taong naging mananampalataya sa loob ng isang taon pa lamang ay naniniwala sa Diyos, at ganoon din sa kanilang mga naniwala sa Diyos sa buong buhay nila. Silang hindi nakakakita sa mga katunayan ay hindi kailanman makakatakas mula sa isang pananampalataya kung saan mayroon silang mga pagkaintindi sa Diyos. Naniniwala ang tao na napalaya niya ang kanyang sarili mula sa pagkabihag ng kanyang mga lumang pagkaintindi, at nakapasok sa bagong teritoryo. Hindi ba alam ng tao na ang pagkakilala nilang mga hindi nakakakita ng tunay na mukha ng Diyos ay walang-iba kundi mga pagkaintindi at sabi-sabi? Iniisip ng tao na ang kanyang mga pagkaintindi ay tama, at walang kamalian, at iniisip na ang mga pagkaintinding ito ay galing sa Diyos. Ngayon, kapag nasasaksihan ng tao ang gawain ng Diyos, pinakakawalan niya ang mga pagkaintinding nabuo sa maraming mga taon. Ang mga imahinasyon at mga ideya ng nakaraan ay naging hadlang sa gawain ng yugtong ito, at nagiging mahirap para sa tao na bitawan ang ganoong mga pagkaintindi at pasubalian ang mga ideyang ito. Ang mga pagkaintindi tungo sa isa-isang hakbang na ito ng gawain ng maraming sumunod sa Diyos hanggang ngayon ay mas lalo pang nakapagpapadalamhati at ang mga taong ito ay unti-unting nakabuo ng mapagmatigas na pagkapoot sa Diyos na nagkatawang-tao, at ang pinagmulan nitong kapootan ay ang mga pagkaintindi at mga imahinasyon ng tao. Ito ay tiyak na dahil ang mga katunayan ay hindi hinahayaan ang tao na bigyang-kalayaan ang kanyang imahinasyon, at, bukod diyan, hindi madaling mapasinungalingan ng tao, at ang mga pagkaintindi at naguguni-guni ng tao ay hindi isinasaalang-alang ang pag-iral ng mga katunayan, at bukod diyan, dahil hindi iniisip ng tao ang pagiging-tama o pagiging-totoo ng mga katunayan, at desidido lamang na pakawalan ang kanyang mga pagkaintindi, at gamitin ang kanyang sariling imahinasyon, na ang mga pagkaintindi at mga naguguni-guni ng tao ay naging kaaway ng gawain ngayon, gawain na salungat sa mga pagkaintindi ng tao. Ito ay masasabi lamang na kasalanan ng mga pagkaintindi ng tao, at hindi masasabing kasalanan ng gawain ng Diyos. Maaaring guni-gunihin ng tao ang kahit anong nais niya, nguni’t hindi niya maaaring malayang pasubalian ang kahit anong yugto ng gawain ng Diyos o kahit anong kapirasong bahagi nito; ang katunayan ng gawain ng Diyos ay hindi kayang sirain ng tao. Maaari mong palayain ang iyong imahinasyon, at maaari ding mag-ipon ng mahuhusay na kwento tungkol sa gawain ni Jehova at Jesus, nguni’t hindi mo mapapasinungalingan ang katunayan ng bawa’t yugto ng gawain ni Jehova at Hesus; ito ay isang prinsipyo, at ito rin ay isang kautusang pamamahala, at dapat ninyong maunawaan ang kahalagahan ng mga usaping ito. Naniniwala ang tao na ang yugto ng gawaing ito ay hindi kaayon sa mga pagkaintindi ng tao, at hindi ito ang katayuan sa dalawang naunang mga yugto ng gawain. Sa kanyang imahinasyon, naniniwala ang tao na ang gawain ng naunang dalawang mga yugto ay tiyak na hindi katulad ng gawain ngayon—nguni’t kahit kailan ba ay naituring mo na ang mga prinsipyo ng gawain ng Diyos ay pareho-pareho lahat, na ang Kanyang gawain ay laging praktikal, at, kahit na anong panahon pa, laging mayroong pag-apaw ng mga tao na lumalaban at sumasalungat sa katunayan ng Kanyang gawain? Lahat niyaong ngayon ay lumalaban at sumasalungat sa yugto ng gawaing ito ay walang-dudang sumalungat din sa Diyos sa mga naunang panahon, sapagka’t ang mga ganoong tao ay laging magiging mga kalaban ng Diyos. Ang mga taong alam ang katunayan ng gawain ng Diyos ay makikita ang tatlong yugto ng gawain bilang gawain ng isang Diyos, at bibitawan nila ang kanilang mga pagkaintindi. Ang mga ito ang mga taong nakikilala ang Diyos, at ang mga taong ganoon ay yaong tunay na sumusunod sa Diyos. Kapag ang buong pamamahala ng Diyos ay malapit na sa katapusan, uuriin ng Diyos ang lahat ng bagay ayon sa uri. Ang tao ay ginawa ng mga kamay ng Maylalang, at sa katapusan dapat Niyang ganap na ibalik ang tao sa ilalim ng Kanyang dominyon; ito ang konklusyon ng tatlong mga yugto ng gawain. Ang yugto ng gawain ng mga huling araw, at ang naunang dalawang yugto sa Israel at Judea, ay plano ng pamamahala ng Diyos sa buong sansinukob. Walang makatatanggi rito, at ito ang katunayan ng gawain ng Diyos. Kahit hindi naranasan o nasaksihan ng mga tao ang karamihan ng gawaing ito, ang mga katunayan ay mga katunayan pa rin, at ito ay hindi maitatanggi ng kahit na sinong tao. Ang mga taong naniniwala sa Diyos sa bawa’t lupain ng sansinukob ay tatanggap lahat ng tatlong mga yugto ng gawain. Kung alam mo lamang ang isang tanging yugto ng gawain, at hindi naiintindihan ang iba pang dalawang mga yugto ng gawain, hindi naiintindihan ang gawain ng Diyos sa mga lumipas na panahon, sa gayon ikaw ay hindi makapagsasalita ng buong katotohanan ng kabuuan tungkol sa buong plano ng pamamahala ng Diyos, at ang iyong pagkakilala sa Diyos ay isang panig lamang, sapagka’t sa iyong paniniwala sa Diyos hindi mo Siya kilala, o naiintindihan Siya, at sa gayon hindi ka karapat-dapat magdala ng patotoo sa Diyos. Kung ang iyong kasalukuyang kaalaman sa mga bagay na ito ay malalim man o mababaw, sa katapusan, dapat kayong magkaroon ng kaalaman, at dapat na lubusang napapaniwala, at ang lahat ng tao ay makikita ang kabuuan ng gawain ng Diyos at magpapasailalim sa dominyon ng Diyos. Sa pagtatapos ng gawaing ito, lahat ng mga denominasyon ay magiging isa, ang lahat ng mga nilalang ay babalik sa ilalim ng dominyon ng Maylalang, ang lahat ng nilalang ay sasamba sa isang tunay na Diyos, at ang lahat ng mga kulto ay mauuwi sa wala, hindi na lilitaw muli.

    Bakit ganitong patuloy ang pagtukoy sa tatlong mga yugto ng gawain? Ang paglipas ng mga kapanahunan, panlipunang paglago, at ang pagpapalit ng anyo ng kalikasan ay lahat sumusunod sa mga pagbabago sa tatlong mga yugto ng gawain. Ang sangkatauhan ay nag-iiba ayon sa panahon kasama ang gawain ng Diyos, at hindi ito sumusulong nang nag-iisa. Ang pagbanggit ng tatlong mga yugto ng gawain ng Diyos ay upang dalhin ang lahat ng mga nilalang, at mga tao sa bawa’t relihiyon, sa ilalim ng dominyon ng isang Diyos. Kahit anong relihiyon ka man nabibilang, sa huli kayong lahat ay magpapasakop sa ilalim ng dominyon ng Diyos. Tanging ang Diyos Mismo ang makapagsasakatuparan nitong gawain; hindi ito magagawa ng kahit sinong relihiyosong pinuno. Maraming mga pangunahing relihiyon sa mundo, at ang bawa’t isa ay may sariling pinuno, o lider, at ang mga tagasunod ay nakakalat sa iba’t-ibang mga bansa at rehiyon sa buong mundo; sa bawa’t bansa, maging malaki man o maliit, ay may iba’t-ibang mga relihiyon sa loob nito. Gayunman, kahit gaano karami ang mga relihiyon sa buong mundo, ang lahat ng tao sa loob ng sansinukob sa katapusan ay iiral sa ilalim ng paggabay ng isang Diyos, at ang kanilang pag-iral ay hindi ginagabayan ng mga relihiyosong pinuno o lider. Na ibig sabihin, ang sangkatauhan ay hindi ginagabayan ng isang natatanging relihiyosong pinuno o lider; bagkus ang buong sangkatauhan ay pinamumunuan ng Maylalang, na lumikha ng mga kalangitan at lupa, at lahat ng mga bagay, at lumikha rin sa sangkatauhan—at ito ay isang katunayan. Kahit na ang mundo ay maraming mga nangungunang relihiyon, kahit gaano pa kalaki ang mga ito, silang lahat ay umiiral sa ilalim ng dominyon ng Maylalang, at wala sa kanila ang makalalampas sa saklaw ng dominyon na ito. Ang pag-unlad ng sangkatauhan, kaunlarang panlipunan, ang pag-unlad ng likas na agham—bawa’t isa ay hindi maihihiwalay mula sa mga pagsasaayos ng Maylalang, at ang gawaing ito ay hindi isang bagay na kayang gawin ng isang natatanging pinuno ng relihiyon. Ang mga relihiyosong pinuno ay mga pinuno ng isang natatanging relihiyon, at hindi maaaring kumatawan sa Diyos, o sa Isa na Siyang lumikha ng mga kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay. Ang mga pinuno ng relihiyon ay makakapanguna sa lahat ng nasa loob ng buong relihiyon, nguni’t hindi makapag-uutos sa lahat ng mga nilalang sa ilalim ng mga kalangitan—ito ay isang pangsansinukob na tanggap na katotohanan. Ang mga relihiyosong pinuno ay pawang mga tagapanguna lamang, at hindi makapapantay sa Diyos (ang Maylalang). Ang lahat ng mga bagay ay nasa mga kamay ng Maylalang, at sa katapusan lahat ng mga ito ay babalik sa mga kamay ng Maylalang. Ang sangkatauhan ay orihinal na nilikha ng Diyos, at maging anupaman ang relihiyon, ang bawa’t tao ay babalik sa ilalim ng dominyon ng Diyos—ito ay hindi maiiwasan. Ang Diyos lamang ang Kataas-taasan sa gitna ng lahat ng mga bagay, at ang pinakamataas na pinuno sa gitna ng lahat ng mga nilalang ay dapat ding bumalik sa ilalim ng Kanyang dominyon. Kahit na gaano kataas ang katayuan ng tao, hindi niya madadala ang sangkatauhan sa angkop na hantungan, at walang kahit isang kayang uriin ang lahat ng bagay ayon sa uri. Si Jehova Mismo ang lumikha sa sangkatauhan at inuri ang bawa’t isa ayon sa uri, at kapag dumating ang katapusang panahon gagawin pa rin Niya Mismo ang Kanyang sariling gawain, inuuri ang lahat ng bagay ayon sa uri—at hindi ito magagawa ng kahit na sino kundi ng Diyos lamang. Ang tatlong mga yugto ng gawain na isinagawa simula sa umpisa hanggang ngayon ay isinakatuparang lahat ng Diyos Mismo, at isinakatuparan ng isang Diyos. Ang katunayan ng tatlong mga yugto ng gawain ay ang katunayan ng pangunguna ng Diyos sa buong sangkatauhan, isang katunayan na hindi maipagkakaila ng kahit sino. Sa katapusan ng tatlong mga yugto ng gawain, ang lahat ng bagay ay uuriin ayon sa uri at babalik sa ilalim ng dominyon ng Diyos, dahil sa lahat ng dako ng buong sansinukob ay nag-iisa lamang ang umiiral na Diyos, at walang ibang mga relihiyon. Siya na walang kakayanang lumikha ng mundo ay walang kakayanang tapusin ito, samantalang Siya na lumikha ng mundo ay tiyak na tatapusin ito, at sa gayon kung ang isa ay walang kakayanang tapusin ang kapanahunan at tutulungan lamang ang tao na payabungin ang kanyang isip, kung gayon tiyak na hindi siya magiging Diyos, at tiyak na hindi siya ang Panginoon ng sangkatauhan. Siya ay magiging walang kakayanang gawin ang ganoong dakilang gawain; mayroon lamang isa na kayang magsakatuparan ng ganoong gawain, at ang lahat ng walang kakayanang gawin itong gawain ay tiyak na sila ang mga kaaway bukod sa Diyos. Kung sila ay mga kulto, kung gayon sila ay hindi kaayon sa Diyos, at kung sila ay hindi kaayon sa Diyos, kung gayon sila ay ang mga kaaway ng Diyos. Ang lahat ng gawain ay ginagawa nitong isang tunay na Diyos, at ang buong sansinukob ay inuutusan nitong isang Diyos. Kahit na Siya man ay gumagawa sa Israel o sa Tsina, kahit na ang gawain man ay isinasakatuparan ng Espiritu o ng laman, ang lahat ay ginagawa ng Diyos Mismo, at hindi magagawa ng kahit na sino. Ito ay tiyak na dahil Siya ay ang Diyos ng buong sangkatauhan kaya Siya ay malayang gumagawa, hindi pinipigilan ng kahit anong kalagayan—at ito ang pinakadakila sa lahat ng mga pangitain. Bilang isang nilalang ng Diyos, kung nais mong gampanan ang tungkulin ng isang nilikha ng Diyos at maintindihan ang kalooban ng Diyos, dapat mong maintindihan ang gawain ng Diyos, dapat maintindihan ang nais ng Diyos para sa mga nilalang, dapat maintindihan ang Kanyang plano ng pamamahala, at dapat maintindihan ang lahat ng kabuluhan ng gawain na Kanyang ginagawa. Yaong mga hindi naiintindihan ito ay hindi angkop para maging mga nilalang ng Diyos! Bilang isang nilalang ng Diyos, kung hindi mo naiintindihan kung saan ka nagmula, hindi naiintindihan ang kasaysayan ng sangkatauhan at ang lahat ng gawaing ginawa ng Diyos, at, bukod dito, hindi nauunawaan kung paano umunlad ang tao hanggang sa ngayon, at hindi naiintindihan kung sino ang nag-uutos sa buong sangkatauhan, kung gayon ikaw ay walang kakayanang gawin ang iyong tungkulin. Ang Diyos ay pumatnubay sa sangkatauhan hanggang sa ngayon, at simula nang nilikha Niya ang tao sa lupa hindi Niya siya iniwan. Ang Banal na Espiritu ay hindi humihinto sa paggawa, hindi kailanman huminto sa paggabay sa sangkatauhan, at hindi kailanman iniwan ang sangkatauhan. Nguni’t hindi natatanto ng sangkatauhan na mayroong Diyos, lalong hindi niya kilala ang Diyos, at mayroon pa bang mas nakakahiya bukod dito para sa lahat ng mga nilalang ng Diyos? Ang Diyos ang personal na gumagabay sa tao, nguni’t hindi naiintinidihan ng tao ang gawain ng Diyos. Ikaw ay isang nilalang ng Diyos, nguni’t hindi mo nauunawaan ang iyong sariling kasaysayan, at hindi namamalayan kung sino ang gumabay sa iyo sa iyong paglalakbay, ikaw ay malilimutin sa mga gawain na ginagawa ng Diyos, at sa gayon hindi mo makikilala ang Diyos. Kung hindi mo kilala ngayon, kung gayon hindi ka magiging karapat-dapat na magtaglay ng patotoo sa Diyos. Ngayon, ang Maylalang ay muling personal na nangunguna sa lahat ng tao, at nagsasanhi sa lahat ng mga tao na mamasdan ang Kanyang karunungan, pagka-makapangyarihan, pagliligtas, at pagiging-kamangha-mangha. Nguni’t hindi mo pa rin natatanto o nauunawaan—at sa gayon hindi ba ikaw ang isa na hindi makakatanggap ng kaligtasan? Silang nabibilang kay Satanas ay hindi nakakaintindi ng mga salita ng Diyos, at silang nabibilang sa Diyos ay naririnig ang tinig ng Diyos. Lahat silang nakakatanto at nakakaunawa ng mga salita na Aking binibigkas ay silang mga maliligtas, at magdadala ng patotoo sa Diyos; lahat silang hindi nakakaunawa ng mga salitang Aking binibigkas ay hindi makapagdadala ng patotoo sa Diyos, at sila ang siyang mga aalisin. Silang mga hindi nakakaunawa sa kalooban ng Diyos at hindi natatanto ang gawain ng Diyos ay walang kakayanang makamtan ang pagkakilala sa Diyos, at ang mga taong ganoon ay hindi magdadala ng patotoo sa Diyos. Kung nais mong magdala ng patotoo sa Diyos, kung gayon dapat mong makilala ang Diyos, at ang pagkakilala sa Diyos ay natutupad sa pamamagitan ng gawain ng Diyos. Sa kabuuan, kung nais mong makilala ang Diyos, kung gayon dapat mong malaman ang gawain ng Diyos: Ang pag-alam sa gawain ng Diyos ay ang sukdulang pinakamahalaga. Kapag ang tatlong mga yugto ng gawain ay dumating sa katapusan, magkakaroon ng isang pangkat niyaong mga nagdadala ng patotoo sa Diyos, isang pangkat niyaong mga nakakakilala sa Diyos. Ang mga taong ito ay makikilala ang Diyos at makakayang isagawa ang katotohanan. Magtataglay sila ng pagkatao at katinuan, at malalaman lahat ang tatlong mga yugto ng gawain ng pagliligtas ng Diyos. Ito ang gawain na matutupad sa katapusan, at ang mga taong ito ay ang pagbubuu-buo ng gawain ng 6,000 taon ng pamamahala, at ang pinakamakapangyarihang patotoo sa sukdulang pagkatalo ni Satanas. Yaong makapagdadala ng patotoo sa Diyos ay makakatanggap ng pangako at pagpapala ng Diyos, at magiging ang pangkat na maiiwan sa katapus-katapusan, na nagtataglay ng awtoridad ng Diyos at nagdadala ng patotoo sa Diyos. Marahil silang lahat na mga kasama ninyo ay maaaring maging kasapi ng pangkat na ito, o marahil kalahati lamang, o kaunti lamang—depende sa inyong kalooban at inyong paghahabol.

Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Ang pinagmulan:Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Ikalawang bahagi)

Rekomendasyon:Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.