Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

05 Marso 2019

Ang mga Patotoo ng mga Mananagumpay-Magdanas ng Pagpapahirap at Pagdurusa para Maging Tunay na Mananagumpay




Ang mga Patotoo ng mga Mananagumpay-Magdanas ng Pagpapahirap at Pagdurusa para Maging Tunay na Mananagumpay

Ngayon, dahil tayo ay naniniwala sa Diyos, hinahanap ang katotohanan at lumalakad sa tamang landas ng buhay, hinaharap natin ang buong galit na pang-aapi at pagpapahirap ng CCP. Ito ay isang makahulugang bagay! Ito ay dahil ginagamit ng Diyos ang rehimen ng malasatanas na CCP upang magsilbi para sa pagpeperpekto ng isang grupo ng mga mananagumpay, habang kasabay nitong ibinubunyag at inaalis ang mga hindi tapat na naniniwala sa Diyos at hindi nagmamahal sa katotohanan. Ang totoong mga mananagumpay ay yaong, habang nabubuhay sa ilalim ng awtoritarianismong rehimen ng CCP, nakakaranas ng salita ng Diyos nang may totoong pananampalataya, at sa pamamagitan ng pagdanas ng mabangis na pagsugpo at malupit na pagpapahirap ng CCP, makikitang mabuti ang totoong mga kulay ng demonyong Satanas, at pagkatapos mamumuhi kay Satanas, tatalikuran ito, at tapat na babaling sa Diyos, makakamit ang kaligtasan at magiging perpekto! Ang mga mananagumpay ay nabuo sa natatanging kapaligiran ng pagtutol laban sa Diyos at pagpapahirap sa bayan ng Diyos ng malasatanas na rehimen ng CCP. Kung wala ang marahas na kapaligirang binuo ng pang-aapi at pagpapahirap ng demonyong CCP, ang totoong mga mananagumpay ay hindi mabubuo. Para sa mga tapat na naghahangad sa Diyos, kahit gaano pa ang gawin ng CCP na pagpapahirap o gaano karahas ang kapaligiran, susunod pa rin sila sa Diyos, gagampanan ang kanilang tungkulin, ilalagay sa panganib ang lahat para hanapin ang katotohanan, at magkaroon ng mas malalim na pananampalataya sa Diyos! Nakikita nila ang paghihigpit ng CCP sa katarungan, pagsuporta sa masama, at ang kawalang galang nito sa batas, mali at masamang reaksiyonaryong diwa. Malinaw nilang nakikita na ang CCP ay isang demonyo na nagtitiwali, nagpapahirap at sumisila sa sangkatauhan, Kung kaya lalo silang nagagalit dito, nagrerebelde laban dito, at tunay na bumabaling sa Diyos. Sa pamamagitan ng pagkakaiba na naipakita ng malasatanas na rehimen ng CCP, nalaman din nila ang pagkamatuwid at kabanalan ng Diyos, ang Kanyang kagandahan at kabutihan. Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay pagmamahal at pagliligtas sa sangkatauhan! Ang pananampalataya at pagmamahal nila sa Diyos ay lalo pang lumago, at ang kanilang mga puso ay lalo pang napalapit sa Diyos. Ang mga taong ito ay tuluyan nang nakalabas sa maitim na impluwensiya ng malasatanas na rehimen ng CCP at nakayanan ang pagpapatotoo ng mga mananagumpay. Sila ang mga mananagumpay na nilikha ng Diyos sa gitna ng malaking pagdurusa, at ang grupo ng mga tao rin na may bahagi sa "pagdurusa, kaharian, at pagtitiis" ni Cristo. Sila ang totoong mga saksi ni Cristo, ang 144,000 mananagumpay na nakasaad sa Aklat ng Pahayag, yaong makakapasok sa kaharian ng Diyos at makakatanggap ng buhay na walang hanggan! Ito ang dahilan kung bakit ang ating pagkakaranas sa pagpapahirap ng CPP dahil sa ating paniniwala at paghahanap ng katotohanan ay napakamakahulugan! Kagaya ng sinabi ng Panginoong Jesus: "Mapapalad ang mga pinaguusig dahil sa katuwiran: sapagka’t kanila ang kaharian ng langit Mapapalad kayo pagka kayo’y inaalimura, at kayo’y pinaguusig, at kayo’y pinagwiwikaan ng sarisaring masama na pawang kasinungalingan, dahil sa akin" (Mateo 5:10-11). Ito ay tulad lamang ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos. "Marahil ay naaalala ninyo ang mga salitang ito: ‘Sapagka’t ang aming magaang kapighatian, na sa isang sangdali lamang, ay siyang gumagawa sa amin ng lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan;’ Sa nakaraan, narinig ninyo ang mga kasabihang ito, ngunit walang nakaunawa ng tunay na kahulugan ng mga salita. Ngayon, alam niyo na rin ang tunay na kahalagahan na mayroon ang mga ito. Ito ang mga salita na isasakatuparan ng Diyos sa mga huling araw. At ito ay mangyayari sa mga malupit na pinighati ng malaking pulang dragon sa lugar kung saan ito namamalagi. Ang malaking pulang dragon ay inuusig ang Diyos at ito ay kaaway ng Diyos, kaya sa lugar na ito, ang mga naniniwala sa Diyos ay isinasailalim sa panghihiya at pag-uusig. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga salitang ito ay magiging katotohanan sa inyong kalipunan ng mga tao" ("Ang Gawain ba ng Diyos ay Payak tulad nang Inaakala ng Tao?" sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ngayon na ang ginintuang panahon upang gawing perpekto ng Diyos ang mga mananagumpay. Pagbagsak ng CCP, ang mga mananagumpay na ito ay mangingibabaw sa lahat para maging saksi sa tagumpay ng Diyos! Kapag ang kanilang pagsaksi sa Diyos ay umabot sa sukdulan, ang kaharian ng Diyos ay opisyal na maitatatag sa lupa! Ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa sangkatauhan ay matatapos sa oras na iyon. Ang mga maililigtas at magiging perpekto ay maihahanda na. Kung ating hihintayin ang oras na iyon para maniwala, mapapalampas natin ang pagkakataon na gawin ng Diyos na mga mananagumpay. Ang mga taong ito ay hindi madadala ang pagpapatotoo sa pananagumpay at hindi makakapasok sa kaharian ng Diyos. Kahit na sila ay mabuhay, sila ay mabibilang lamang na "taga-serbisyo," at hindi magiging miyembro ng kaharian ng Diyos.

mula sa iskrip ng pelikulang Awit ng Tagumpay

Sinasabi ng ilang tao, "Makapangyarihan ang Diyos. Minsang binihag ng malaking pulang dragon ang ating mga kapatid, bakit hindi Niya sila pinangalagaan?" May kasabihan ang Diyos, "Ang Aking karunungan ay ginagamit ayon sa mga balangkas ni Satanas." Para sa yugtong ito ng gawain ng Diyos, bakit Niya pinili ang Tsina? Ito’y dahil itinalaga ng Diyos ang malaking pulang dragon para manirahan sa Tsina bilang himlayan nito. At kaya, sa yugto ng gawain ng Diyos sa panahon ng mga huling araw, inayos ng Diyos para ang mga banal ng nakaraan ay maisilang muli sa Tsina. Pagkatapos nito, ang nagkatawang-taong Diyos ay isinilang din sa Tsina. Sa pamamagitan ng impluwensiya at pag-uusig ng malaking pulang dragon, ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain. Sa mga sitwasyong ito sumasailalim ang mga pinili ng Diyos sa gawain ng Diyos. Matapos gumawa ang Diyos ng grupo ng mga mananagumpay sa pamamagitan ng teribleng pag-uusig ng malaking pulang dragon, darating ang apokalipsis, at agad wawasakin ng Diyos ang malaking pulang dragon. Ang sinasabi ng Diyos dito ay napakalinaw at detalyado, at kapag binasa mo ang salita ng Diyos sa tuwing libre ka, maiintindihan mo ito.

mula sa Mga Sermon at Paliwanag tungkol sa Pagpasok sa Buhay (Series 133)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.