Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Jehovah. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Jehovah. Ipakita ang lahat ng mga post

25 Hulyo 2018

Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa” (Ikatlong bahagi)

Jehovah, kaligtasan, Landas, pag-ibig sa Diyos, Karanasan

🍁🍁🍁🌟🍁🍁🍁


Isang Seleksyon Mula sa Apat na Pangkat ng Salita ng Diyos Ukol sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa” (Ikatlong bahagi)


  18. Matapos gawin ng Diyos ang dalawang yugto ng Kanyang gawain sa Israel, ang mga Israelita at ang lahat ng mga Gentil ay kapwa nagtaglay ng paniniwalang ito: Bagaman totoong nilalang ng Diyos ang lahat ng mga bagay, Siya ay pumapayag na maging Diyos ng mga Israelita lang, hindi ang Diyos ng mga Gentil. Ang mga Israelita ay naniniwala sa mga sumusunod: Ang Diyos ay Diyos lang namin, hindi ang Diyos ninyong mga Gentil, at dahil hindi ninyo iginagalang si Jehovah, si Jehovah-ang aming Diyos-ay kinasusuklaman kayo. Ang mga Judiong iyon bukod diyan ay naniniwala rito: Ang Panginoong Jesus ay ginampanan ang imahe nating mga Judio at isang Diyos na nagtataglay ng pagkakakilanlan ng mga Judio. Sa aming kalagitnaan gumagawa ang Diyos. Ang imahe ng Diyos at imahe namin ay magkatulad; ang aming imahe ay hawig sa Diyos. Ang Panginoong Jesus ay ang Hari ng mga Judio; ang mga Gentil ay hindi karapat-dapat na tumanggap ng ganoong kadakilang kaligtasan. Ang Panginoong Jesus ang alay pangkasalanan para sa aming mga Judio. Alinsunod lamang sa dalawang yugto ng gawain na ang mga Israelita at ang mga Judio ay bumuo ng ganito karaming mga paniniwala. Mapagmataas nilang inaangkin ang Diyos para sa kanila, hindi pinapayagan na ang Diyos ay ang Diyos din ng mga Gentil. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay naging isang puwang sa mga puso ng mga Gentil. Ito ay dahil ang lahat ay naniwala na hindi gusto ng Diyos na maging Diyos ng mga Gentil at ang gusto Niya ay ang mga Israelita lang-ang Kanyang piling bayan-at gusto Niya ang mga Judio, lalo na ang mga disipulong sumunod sa Kanya. Hindi ba ninyo alam na ang gawain na ginawa ni Jehova at Jesus ay para sa ikaliligtas ng buong sanglibutan? Kinikilala na ba ninyo ngayon na ang Diyos ay ang Diyos ninyong lahat na pinanganak sa labas ng Israel? Hindi ba nandito ang Diyos sa kalagitnaan ninyo ngayon? Hindi ito maaring maging isang panaginip, maari ba? Hindi ba ninyo tanggap ang realidad na ito? Hindi ninyo pinangangahasang paniwalaan ito o mag-isip tungkol dito. Kahit na paano ninyo tingnan ito, hindi ba narito ang Diyos sa gitna ninyo? Natatakot pa rin ba kayo na paniwalaan ang mga salitang ito? Simula sa araw na ito, hindi ba lahat ng mga taong nalupig at lahat ng gustong maging tagasunod ng Diyos ang piling bayan ng Diyos? Hindi ba lahat kayo, na mga tagapagsunod ngayon, ang piling bayan sa labas ng Israel? Ang inyong katayuan ba ay kapareho ng sa mga Israelita? Hindi ba ang lahat ng ito ang inyong dapat kilalanin? Hindi ba ito ang layunin ng gawa ng panlulupig sa inyo? Dahil nakikita ninyo ang Diyos, sa gayon Siya ang inyong magiging Diyos magpakailanman, mula sa umpisa magpahanggang sa hinaharap. Hindi ka Niya pababayaan hangga’t kayong lahat ay nahahandang sumunod sa Kanya at maging Kanyang tapat, masunuring mga nilalang.

30 Marso 2018

Salita ng Diyos | Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan




    Ang gawain na ginawa ni Jehova sa mga Israelita ay itinatag sa gitna ng sangkatauhan ng panlupang lugar na pinagmulan ng Diyos, na siya ring banal na lugar kung saan Siya naroon. Nilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa bayan ng Israel. Noong una, hindi Siya gumawa sa labas ng Israel; sa halip, pinili Niya ang isang bayan na natagpuan Niyang angkop upang itakda ang sakop ng Kanyang gawain. Ang Israel ang lugar kung saan nilikha ng Diyos si Adan at Eba, at mula sa alabok sa lugar na iyon nilikha ni Jehova ang tao; ang lugar na ito ay naging himpilan ng Kanyang gawain sa lupa. Ang mga Israelita, na siyang mga inapo ni Noe at mga inapo din ni Adan, ay ang mga makataong pundasyon ng gawain ni Jehova sa lupa.

25 Enero 2018

Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nagbalik na Jesus.


  2. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Nagbalik na Jesus.

  Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

    
  Nagkatawang-tao ang Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, na ang tawag ng mga kababayan sa Hong Kong at Taiwan ay panloob-na-lupain. Nang dumating ang Diyos mula sa itaas tungo sa lupa, walang sinuman sa langit at lupa ang nakaalam tungkol dito, sapagka’t ito ang tunay na kahulugan ng pagbabalik ng Diyos sa isang lingid na paraan. Mahabang panahon na Siyang gumagawa at namumuhay sa katawang-tao, datapwa’t walang sinuman ang nakaalam nito. Hanggang sa araw na ito, walang sinuman ang nakakakilala rito. Marahil ito ay mananatiling isang walang-hanggang palaisipan. Sa panahong ito ang pagdating ng Diyos sa laman ay hindi isang bagay na kahit sino ay may kakayahang mabatid. Gaano man kalaki at kamakapangyarihan ang gawain ng Espiritu, nananatiling kalmado ang Diyos, hindi kailanman ipinagkakanulo ang Sarili Niya. Maaaring sabihin ng isa na ang yugtong ito ng Kanyang gawain ay parang nagaganap sa makalangit na kinasasaklawan. Kahit na ito ay ganap na halata sa lahat ng tao, walang sinuman ang nakakakilala rito. Kapag tinapos ng Diyos ang yugtong ito ng Kanyang gawain, magigising ang lahat mula sa kanilang mahabang panaginip at babaligtarin ang kanilang nakaraang pag-uugali[1]. Natatandaan ko nang minsang sabihin ng Diyos na, “Ang pagdating sa laman sa oras na ito ay parang tulad ng pagbagsak sa lungga ng isang tigre.” Ang ibig sabihin nito ay dahil sa ikot na ito ng gawain ng Diyos ay ang pagdating ng Diyos sa laman at pagkapanganak sa tinatahanang lugar ng malaking pulang dragon, ang Kanyang pagparito sa lupa sa panahong ito ay may kasama pang mas matitinding mga panganib. Ang kinakaharap Niya ay mga kutsilyo at mga baril at mga garote; ang kinakaharap Niya ay tukso; ang kinakaharap Niya ay maraming tao na may nakamamatay na mga tingin. Nakikipagsapalaran Siyang mapatay anumang sandali. Dumating nga ang Diyos na may poot. Gayunpaman, dumating Siya upang gawin ang gawain ng pagpeperpekto, na nangangahulugan na gawin ang ikalawang bahagi ng Kanyang gawain na nagpapatuloy pagkatapos ng gawain ng pagtubos. Para sa kapakanan ng yugtong ito ng Kanyang gawain, inilaan ng Diyos ang sukdulang pagpapahalaga at pag-iingat at gumagamit ng bawa’t maiisip na mga paraan upang maiwasan ang mga pag-atake ng tukso, mapagkumbabang itinatago ang Kanyang sarili at hindi kailanman ipinapasikat ang Kanyang pagkakakilanlan. Sa pagsagip ng tao mula sa krus, kinukumpleto lamang ni Jesus ang gawain ng pagtubos; hindi Siya gumagawa ng gawaing pagpeperpekto. Kaya kalahati lamang ng gawain ng Diyos ang ginagawa, ang pagtatapos ng gawain ng pagtubos ay kalahati lamang ng Kanyang buong plano. Sa pag-uumpisa ng bagong kapanahunan at pagtatapos ng luma, ang Diyos Ama ay nagsimulang pag-isipan ang ikalawang bahagi ng Kanyang gawain at nagsimulang paghandaan ito. Noong nakaraan, maaaring hindi nahulaan ang pagkakatawang-taong ito sa huling mga araw, at sa gayon naglatag ito ng isang pundasyon para higit pang mailihim ang pagdating ngayon ng Diyos sa laman. Sa pagsapit ng bukang-liwayway, hindi nalalaman ng sinuman, naparito ang Diyos sa lupa at sinimulan ang Kanyang buhay sa laman. Hindi alam ng mga tao ang sandaling ito. Siguro lahat sila ay mahimbing na natutulog, marahil maraming nagbabantay na gising ang naghihintay, at marahil marami ang nagdarasal nang tahimik sa Diyos sa langit. Gayunman sa gitna ng lahat nitong maraming mga tao, wala ni isang nakakaalam na ang Diyos ay dumating na sa lupa. Gumawa ang Diyos nang papaganito nang sa gayon mas maayos na maisakatuparan ang Kanyang gawain at makamit ang mas mahusay na mga resulta, at upang maiwasan din ang maraming mga tukso. Sa pagkagising ng tao sa mahimbing na pagkakaidlip, ang gawain ng Diyos ay matagal nang natapos at Siya’y aalis na, dadalhin sa pagtatapos ang Kanyang buhay nang paglilibot at pansamantalang pagtigil sa lupa. Dahil ang gawain ng Diyos ay nangangailangan na ang Diyos ay kumilos at magsalita nang personal, at dahil walang paraan ang tao upang makatulong, tiniis ng Diyos ang matinding sakit upang pumarito sa lupa at gawin Niya Mismo ang gawain. Hindi kayang humalili ng tao para sa gawain ng Diyos. Samakatuwid nakipagsapalaran sa mga panganib ang Diyos ng ilang libong beses na mas matindi kaysa roon sa Kapanahunan ng Biyaya upang bumaba sa kung saan ang malaking pulang dragon ay nananahan upang gawin ang Kanyang sariling gawain, upang ibuhos ang lahat ng Kanyang pag-iisip at pangangalaga sa pagtubos sa grupo ng naghihirap na mga taong ito, pagtubos sa grupong ito ng mga taong nasadlak sa tambak ng basura. Kahit na walang nakakaalam sa pag-iral ng Diyos, hindi nababalisa ang Diyos dahil ito ay malaking kapakinabangan sa gawain ng Diyos. Napakabangis na masama ang bawa’t isa, kaya paanong matitiis ng kahit na sino ang pag-iral ng Diyos? Iyon ang dahilan kung bakit laging tahimik ang Diyos sa lupa. Kahit gaano kalabis ang kalupitan ng tao, hindi dinidibdib ng Diyos ang alinman dito, kundi patuloy lamang Siya sa paggawa ng kailangang gawain upang matupad ang mas higit na atas na ibinigay sa Kanya ng Ama sa langit. Sino sa inyo ang nakakakilala ng kagandahan ng Diyos? Sino ang nagpapakita nang higit na pagsasaalang-alang sa pasanin ng Diyos Ama kaysa sa ginagawa ng Kanyang Anak? Sino ang may kakayahang maunawaan ang kalooban ng Diyos Ama? Madalas na nababalisa sa langit ang Espiritu ng Diyos Ama, at ang Kanyang Anak sa lupa ay madalas nananalangin para sa kalooban ng Diyos Ama, lubhang nababahala ang Kanyang puso. Mayroon bang kahit sino na nakakaalam ng pag-ibig ng Diyos Ama para sa Kanyang Anak? Mayroon bang kahit sino na nakakaalam kung paano nangungulila ang sinisintang Anak sa Diyos Ama? Napupunit sa pag-itan ng langit at lupa, ang dalawa ay patuloy na tinititigan ang bawa’t isa mula sa malayo, magkaagapay sa Espiritu. O sangkatauhan! Kailan kayo magiging mapagbigay sa puso ng Diyos? Kailan ninyo mauunawaan ang intensyon ng Diyos? Palaging umaasa ang Ama at Anak sa isa’t isa. Bakit kung gayon dapat Silang maghiwalay, isa sa langit sa itaas at isa sa lupa sa ibaba? Minamahal ng Ama ang Kanyang Anak gaya ng pagmamahal ng Anak sa Kanyang Ama. Bakit kung gayon dapat Siyang maghintay nang may gayong pag-asam at manabik nang may gayong pagkabalisa? Kahit hindi Sila nagkahiwalay nang matagal, mayroon bang kahit sino na nakakaalam na ang Ama ay lubhang nababalisa na nagnanasa sa loob ng maraming mga araw at gabi at nananabik sa mabilis na pagbalik ng Kanyang minamahal na Anak? Nagmamasid Siya, nakaupo Siya sa katahimikan, naghihintay Siya. Ang lahat ng ito ay para sa mabilis na pagbalik ng Kanyang minamahal na Anak. Kailan kaya Niya muling makakasama ang Anak na naglilibot sa lupa? Kahit na minsang nagsama, magsasama Sila sa walang-hanggan, paano Niya matitiis ang libu-libong mga araw at gabi ng paghihiwalay, ang isa sa langit sa itaas at isa sa lupa sa ibaba? Ang sampu-sampung taon sa lupa ay gaya ng libu-libong taon sa langit. Paanong hindi mag-aalala ang Diyos Ama? Kapag pumaparito ang Diyos sa lupa, nararanasan Niya ang maraming mga pagbabago ng mundo ng tao kagaya nang nararanasan ng tao. Ang Diyos Mismo ay walang sala, kaya bakit hahayaang magdusa ang Diyos ng parehong sakit gaya ng tao? Hindi nakapagtataka na ang Diyos Ama ay nangungulila nang marubdob sa Kanyang Anak; sino ang maaaring makaunawa sa puso ng Diyos? Binibigyan ng Diyos ang tao nang sobra; paano magagawa ng tao na bayaran nang sapat ang puso ng Diyos? Datapwa’t ang ibinibigay ng tao sa Diyos ay masyadong maliit; paanong hindi mag-aalala samakatuwid ang Diyos?

08 Enero 2018

Salita ng Diyos | Walang Sinumang Nabubuhay sa Laman ang Makatatakas sa Araw ng Poot


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos  | Walang Sinumang Nabubuhay sa Laman ang Makatatakas sa Araw ng Poot


     Ngayon, pinagsasabihan Ko kayo para sa kapakanan ng inyong kaligtasan, upang ang Aking gawain ay magpatuloy nang maayos, at upang ang Aking inagurasyon gawain sa buong sansinukuban ay maisakatuparan nang higit na angkop at maingat, pagbunyag ng Aking mga salita, awtoridad, kamahalan, at paghatol sa mga tao ng lahat ng lupain at mga bayan. Ang Aking gawain na kasama ninyo ay ang umpisa ng Aking gawain sa buong sansinukob. Bagaman ngayon na ang mga huling araw, alamin ninyo na ang “mga huling araw” ay isa lamang pangalan ng isang panahon: Gaya ng Kapanahunan ng Kautusan at ang Kapanahunan ng Biyaya, ito ay tumutukoy sa isang panahon, at tanda ng kabuuan ng isang panahon, sa halip na sa mga huling mga taon o buwan. Ngunit ang mga huling araw ay pawang hindi kagaya ng Kapanahunan ng Biyaya at ng Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain para sa mga huling araw ay hindi gagawin sa Israel, kundi sa mga Gentil; ito ay ang paglupig sa lahat ng bayan at mga mamamayan sa labas ng Israel sa harap ng Aking luklukan, upang ang Aking luwalhati sa buong sansinukuban ay kayang punuin ang buong kalangitan. Ito ay upang makamtan Ko ang mas dakilang kaluwalhatian, upang ang lahat ng nilikha sa lupa ay maipasa ang Aking kaluwalhatian sa bawat bayan, sa lahat ng salinlahi magpakailanman, at ang lahat ng nilikha sa langit at lupa ay makita ang lahat ng kaluwalhatian na Aking natamo sa lupa. Ang gawain sa mga huling araw ay ang gawain ng panlulupig. Hindi ito ang pagpatnubay sa lahat ng mga tao sa lupa, kundi ang konklusyon ng walang pagkasira at libong-taong buhay ng pagdurusa ng sangkatauhan sa lupa. Ang kahihinatnan, ang gawain ng mga huling araw ay hindi maihahambing sa ilang libong taon na gawain sa Israel, hindi rin maitulad sa isang dekadang gawain sa Hudea na nagpatuloy nang ilang libong taon hanggang sa pangalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Dinaranas lamang ng mga tao sa mga huling araw ang muling pagpapakita ng Manunubos sa katawang-tao, at tinatanggap nila ang personal na gawain at mga salita ng Diyos. Hindi ito aabot ng dalawang libong taon bago dumating ang mga huling araw ng katapusan; ang mga ito ay maikli, kagaya nang tinapos ni Jesus ang mga gawain noong Kapanahunan ng Biyaya sa Hudea. Ito ay dahil sa ang mga huling araw ay ang konklusyon ng buong kapanahunan. Sila ay ang kabuuan at ang katapusan ng anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ng Diyos, at sila ang tumatapos sa habang-buhay na pagdurusa ng sangkatauhan. Hindi nila tinatanggap ang kabuuan ng sangkatauhan sa bagong panahon o payagan ang buhay ng sangkatauhan na magpatuloy. Iyan ay walang kabuluhan para sa Aking plano sa pamamahala o sa pag-iral ng tao. Kung ang sangkatauhan ay magpatuloy nang ganito, kung gayon pagkaraan ng ilang panahon sila ay lalamunin nang buo ng diyablo, at ang mga kaluluwa na nauukol sa Akin ay lubusang kakamkamin ng mga kamay nito. Ang Aking gawain ay tatagal ng anim na libong taon, at Ako ay nangako na ang paghawak ng diyablo sa buong sangkatauhan ay hindi din tatagal ng higit sa anim na libong taon. At gayon, napapanahon na. Hindi ko na ipagpapatuloy o ipagpapaliban pa: Sa mga huling araw Aking susupilin si Satanas, babawiin Ko ang lahat ng Aking kaluwalhatian, at babawiin Ko ang lahat ng mga kaluluwa sa lupa na nauukol sa Akin upang itong mga kaluluwang naghihinagpis ay makawala sa dagat ng pagdurusa, at gayon matatapos na ang kabuuan ng Aking gawain sa lupa. Simula sa araw na ito, hindi na ako kailanman magkakatawang-tao sa lupa, at hindi Ko na kailanman pakikilusin ang Aking makapangyarihang Espiritu sa lupa. Ako ay gagawa lamang ng isang bagay sa lupa: Babaguhin Ko ang sangkatauhan, ang sangkatauhan na banal, at ang Aking tapat na lungsod sa lupa. Ngunit alamin ninyo na hindi Ko lilipulin ang buong mundo, hindi Ko rin lilipulin ang buong sangkatauhan. Iingatan Ko ang natitirang ikatlong bahagi—ang ikatlong mga nagmamahal sa Akin at lubusang nagpasakop sa Akin, at sila ay Aking gagawing mabunga at mapagparami sa lupa kagaya ng ginawa ng mga Israelita sa ilalim ng kautusan, binubusog sila ng masaganang mga tupa at baka at lahat ng mga sagana ng lupa. Ang sangkatauhang ito ay mananatili sa Akin magpakailanman, ngunit hindi ito ang karumaldumal na maruming sangkatauhan sa ngayon, kundi ang sangkatauhan na naipon mula sa Aking mga nalikom. Ang sangkatauhang iyon ay hindi masisira, maaabala, o maikukulong ni Satanas, at sila ang tanging mga sangkatauhan na mananatili sa mundo pagkatapos Kong magtagumpay laban kay Satanas. Ang sangkatauhan na mayroon ngayon ay ang Aking nasakop at nakatamo ng Aking pangako. At gayon, ang sangkatauhan na nasakop sa mga huling araw ang siya ring sangkatauhan na maliligtas at magkakamit ng Aking mga walang hanggang biyaya. Ito ang tanging magiging patunay ng Aking tagumpay laban kay Satanas, at ang tanging nasamsam sa Aking pakikipaglaban kay Satanas. Ang mga nasamsam sa digmaan ay Aking naipon mula sa sakop ni Satanas, at ang tanging kaganapan at bunga ng Aking anim-na-libong-taong plano sa pamamahala. Sila ay nagmula sa bawat bayan at denominasyon, at bawat lugar at bansa, sa buong sansinukuban. Sila ay galing sa iba’t-ibang lahi, iba’t-ibang wika, kaugalian at mga kulay ng balat, at sila ay nakakalat sa lahat ng mga bayan at denominasyon sa buong mundo, at sa bawat sulok ng mundo. Sa bandang huli, sila ay magsasama-sama upang buuin ang ganap na sangkatauhan, ang pulong ng sangkatauhan na hindi kayang abutin ng mga puwersa ni Satanas. Silang mga nasa sangkatauhan na hindi naligtas at nasakop Ko ay lulubog nang matahimik sa kailaliman ng dagat, at masusunog ng Aking tumutupok na apoy nang walang hanggan. Lilipulin Ko itong luma, nananaig na kadungisan ng sangkatauhan, kagaya ng paglipol Ko sa mga panganay na lalaking anak at mga baka sa Ehipto, iniwan lamang ang mga Israelita, na kumain ng karne ng tupa, uminom ng dugo ng tupa, at nagtatak ng dugo ng tupa sa itaas ng kanilang mga pinto. Ang mga tao na Aking sinakop at Aking naging pamilya, hindi rin ba sila ang mga tao na kumain sa Aking laman ang Kordero at uminom ng Aking dugo ang Kordero, at nailigtas dahil sa Akin at Ako ay sambahin? Hindi ba sila ang mga uri ng tao na laging sinasamahan ng Aking kaluwalhatian? Hindi ba silang walang katawan Ko, ang Kordero, ay tahimik nang lumubog sa kailaliman ng dagat? Ngayon sumasalungat sila sa Akin, at ngayon ang Aking mga salita ay tulad lamang ng mga sinambit ni Jehovah sa mga lalaking anak at mga lalaking apo ng Israel. Ngunit ang katigasan sa kaibuturan ng inyong mga puso ay nag-iimbak ng Aking poot, nagdudulot ng mas matinding pagdurusa sa inyong mga katawang-tao, mas matinding paghatol sa inyong mga kasalanan, mas matinding poot sa inyong kalikuan. Sino ang maliligtas sa Aking araw ng poot, kung ganito ang turing ninyo sa Akin sa ngayon? Kaninong kalikuan ang kayang makatakas sa Aking mga mata ng pagkastigo? Kaninong mga kasalanan ang makakaiwas sa mga kamay Ko, ang Makapangyarihan sa lahat? Kaninong mga paglabag ang makakatanggap ng Aking paghatol, ang Makapangyarihan sa lahat? Ako, ang Jehovah, ay nagsasalita sa inyo, mga angkan ng mga pamilyang Gentil, at ang mga salitang binibigkas ko sa inyo ay higit sa lahat ng mga binigkas sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya, ngunit kayo ay mas matigas pa sa lahat ng mga tao sa Ehipto. Hindi ba ninyo iniipon ang Aking poot habang ihinahanda ko ang Aking kapahingahan? Paano kayo makakatakas nang walang galos simula sa araw Ko, ang Makapangyarihan sa lahat?

Salita ng Diyos | Ang Tagapagligtas ay Bumalik na Nakatuntong sa “Puting Ulap”


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos  | Ang Tagapagligtas ay Bumalik na Nakatuntong sa “Puting Ulap”



    Sa loob ng libong mga taon, inasam ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Inasam ng tao na makita si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, sa Kanyang pagkatao, sa mga taong nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libong mga taon. Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makiisa sa mga tao, yan ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasagawa ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa mga Hudyo, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, magpapatawad sa mga kasalanan ng tao, dadalhin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at ililigtas ang tao mula sa kasalanan. Hangad nila na si Jesus na Tagapagligtas na maging katulad dati—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, magiliw at kagalang-galang, na hindi kailanman mabagsik sa tao, at na hindi kailanman sinisisi ang tao. Ang Tagapagligtas na ito ay nagpapatawad at pinapasan ang lahat ng mga kasalanan ng tao, at namatay rin muli sa krus para sa tao. Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas na nagpapasalamat sa Kanyang pangalan, ay naging desperado sa pag-asam sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat ng mga taong naligtas ng biyaya ni Jesucristo sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay nananabik sa nakakagalak na araw sa panahon ng mga huling araw, kapag si Jesus ang Tagapagligtas ay dumating sakay sa isang puting ulap at magpakita sa tao. Mangyari pa, ito rin ang sama-samang pagnanais ng lahat ng mga taong tumatanggap sa pangalan ni Jesus na Tagapagligtas ngayon. Sa buong sansinukob, lahat ng mga tao na nakakaalam sa pagliligtas ni Jesus na Tagapagligtas ay naging desperado nang may matinding pagnanais sa biglaang pagdating ni Jesucristo, upang tuparin ang mga salita ni Jesus nang nasa lupa: “Babalik ako tulad ng Aking paglisan.” Ang tao ay naniniwala na, sumunod sa pagpako sa krus at muling pagkabuhay na mag-uli, si Jesus ay bumalik sa langit sa ibabaw ng isang puting ulap, at naupo sa Kanyang luklukan sa kanan ng Kataas-taasan. Kahalintulad din, nag-iisip ang tao na si Jesus ay bababa muli sakay sa isang puting ulap (ang ulap na ito ay tumutukoy sa ulap na sinakyan ni Jesus nang bumalik Siya sa langit), sa mga taong naging desperado sa pananabik sa Kanya sa loob ng libong mga taon, at na dadalhin Niya ang imahe at mga pananamit ng mga Hudyo. Matapos ang pagpapakita sa mga tao, magbibigay Siya ng pagkain sa kanila, magiging dahilan ng pagbukal ng buhay na tubig para sa kanila, at mamumuhay kasama ng mga tao, puspos ng biyaya at pagmamahal, buhay at tunay. At iba pa. Datapwat si Jesus na Tagapagligtas ay hindi ganito ang ginawa; ginawa Niya ang kabaliktaran nang iniisip ng tao. Hindi Siya dumating doon sa mga taong naghahangad sa Kanyang pagbabalik at hindi nagpakita sa lahat ng mga tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay dumating na, subalit hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling mangmang sa Kanyang pagdating. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, walang malay na nakababa na Siya sakay sa isang puting ulap (ang ulap na siyang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mapagtagumpay na Kanyang gagawin sa panahon ng mga huling araw. Hindi ito alam ng tao: Bagaman ang banal na Tagapagligtas na si Jesus ay puno ng pagkagiliw at pagmamahal sa tao, paano Siya makakagawa sa mga “templo” na pinamamahayan ng karumihan at di-malinis na mga espiritu? Bagaman hinihintay ng tao ang Kanyang pagdating, paano Siya maaaring magpakita sa mga taong kumakain ng laman ng mga di-matuwid, umiinom ng dugo ng di-matuwid, nagsusuot ng mga damit ng di-matuwid, na naniniwala sa Kanya ngunit hindi Siya kilala, at patuloy na kinikikilan Siya? Ang tanging alam lang ng tao ay na si Jesus na Tagapagligtas ay puno ng pagmamahal at habag, at ang paghahandog para sa kasalanan ay puspos ng pagtubos. Ngunit ang tao ay walang idea na Siya rin ay ang Diyos Mismo, na nag-uumapaw sa pagkamatuwid, kamahalan, matinding galit, at paghatol, at nag-aangkin ng awtoridad at puno ng dangal. At sa gayon bagaman masugid na nagnanais at nananabik sa pagbabalik ng Manunubos, at kahit ang Langit ay naaantig sa mga dalangin ng tao, si Jesus na Tagapagligtas ay hindi nagpapakita sa mga taong naniniwala sa Kanya subalit hindi Siya nakikilala.

07 Enero 2018

Salita ng Diyos | Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos  | Tungkol sa Pagpapatahimik sa Iyong Puso sa Harap ng Diyos


    
    Ang gawain na nagawa ni Jehovah sa mga Israelita ay itinatag sa sangkatauhan sa lupa na pinagmulan ng Diyos, ang Kanyang banal na lugar kung saan Siya nagkaroon ng presensya. Nilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa mga Israelita. Sa simula, hindi Siya nagtrabaho sa labas ng Israel; sa halip, pinili Niya ang mga tao na nakita Niyang angkop upang paghigpitan ang mga saklaw ng Kanyang gawain. Ang Israel ay ang pook kung saan nilikha ng Diyos sina Adan at Eba, at mula sa alabok ng pook na iyon nilikha ni Jehovah ang tao; ito ang pundasyon ng Kanyang gawain sa mundo. Ang mga Israelita, na mga inapo ni Noah at ni Adan, ay ang pundasyon ng gawain ni Jehovah sa lupa.

31 Disyembre 2017

Salita ng Diyos | Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos  | Hinggil sa mga Pangalan at Pagkakakilanlan


    
  Kung nais mong maging karapat-dapat na magamit ng Diyos, dapat mong malaman ang gawain ng Diyos; dapat mong malaman ang gawain na Kanyang isinagawa noon (sa Bago at Lumang Tipan), at, higit sa lahat, dapat mong malaman ang Kanyang gawain ngayon. Ang ibig sabihin, dapat mong malaman ang tatlong yugto ng gawain ng Diyos sa loob ng 6,000 na taon. Kung ikaw ay inatasang magpalaganap ng ebanghelyo, hindi mo ito magagawa nang hindi nalalaman ang gawain ng Diyos. Magtatanong sa iyo ang mga tao tungkol sa Biblia, at ang Lumang Tipan, at kung ano ang sinabi at ginawa ni Jesus sa panahong iyon. Sasabihin nila, “Hindi ba kayo sinabihan ng Diyos ninyo tungkol dito? Kung hindi Niya (ang Diyos) masabi sa inyo kung ano talaga ang nagaganap sa Biblia, Siya ay hindi Diyos; kung kaya Niya, kami ay makukumbinsi.” Sa simula, nangusap si Jesus tungkol sa Lumang Tipan sa Kanyang mga disipulo. Ang lahat ng kanilang nabasa ay mula sa Lumang Tipan; ang Bagong Tipan ay nasulat lamang ilang dekada pagkatapos ng pagkakapako sa krus ni Jesus. Upang mapalaganap ang ebanghelyo, dapat ninyong maunawaan una sa lahat ang katotohanang panloob ng Biblia, at ang gawain ng Diyos sa Israel, na ang ibig sabihin ay ang gawaing isinagawa ni Jehova. At dapat din ninyong maintindihan ang gawaing isinagawa ni Jesus. Ito ang mga isyung pinaka-aalala ng lahat ng tao, at sila ay hindi nagtataglay ng pang-unawa[a] sa dalawang yugto ng gawain na ito. Sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, isantabi muna ang usapan tungkol sa gawain ng Banal na Espiritu ngayon. Ang yugto ng gawaing ito ay hindi abot ng kanilang kakayanan, dahil ang inyong hinahanap ay ang pinakamatayog sa lahat: ang kaalaman sa Diyos at ang kaalaman sa gawain ng Banal na Espiritu, at walang higit na itinataas maliban sa dalawang ito. Kung una mong sasabihin kung ano ang matayog, ito ay magiging labis para sa kanila, dahil walang sinuman sa kanila ang nakaranas sa ganoong gawain ng Banal na Espiritu; wala itong pamamarisan, at hindi madali para sa tao na ito ay tanggapin. Ang kanilang mga karanasan ay mga lumang bagay mula sa nakaraan, na mayroong mga paminsan-minsang gawain ng Banal na Espiritu. Ang naranasan nila ay hindi ang gawain ng Banal na Espiritu ngayon, o ang kalooban ng Diyos ngayon. Sila ay kumikilos pa rin ayon sa mga lumang pamamaraan, na walang bagong liwanag, o bagong mga bagay.

26 Disyembre 2017

Salita ng Diyos | Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang

Ang Iglesia ng Makapangyarihang DiyosSalita ng Diyos | Ang Diyos ay ang Panginoon ng Lahat ng Nilalang


    Ang isang yugto sa gawain ng dalawang nakaraang panahon ay naganap sa Israel; ang isa pa ay naganap sa Judea. Sa pangkalahatan, wala sa anumang yugto ng gawaing ito ang nilisan ang Israel; ang mga ito ay ang mga yugto ng gawain na natupad sa kalagitnaan ng mga paunang piniling tao. Kaya, sa paningin ng mga Israelita, ang Diyos na Jehovah ay Diyos lamang ng mga Israelita. Dahil sa gawain ni Jesus sa Judea, at dahil sa Kanyang pagkumpleto ng gawain ng pagpapako sa krus, mula sa pananaw ng mga Judio, si Jesus ay ang Manunubos ng mga Judio. Siya ay Hari lamang ng mga Judio, hindi ng anumang mga tao; hindi Siya ang Panginoon na tumubos sa ang mga Ingles, ni ang Panginoon na tumubos sa mga Amerikano, ngunit Siya ang Panginoon na tumubos sa mga Israelita, at sa Israel ang mga Judio ang Kanyang tinutubos. Sa totoo lang, ang Diyos ay ang Panginoon ng lahat ng mga bagay. Siya ang Diyos ng lahat ng nilalang. Hindi lamang Siya ang Diyos ng mga Israelita, at hindi lamang Siya ang Diyos ng mga Judio; Siya ang Diyos ng lahat ng nilalang. Ang nakaraang dalawang yugto ng Kanyang gawain ay naganap sa Israel, at sa ganitong paraan, ilang mga pagkaintindi ang nabuo sa mga tao. Iniisip ng mga tao na si Jehovah ay nasa paggawa sa Israel at si Jesus Sarili Niya ay tinupad ang Kanyang gawain sa Judea—bukod pa rito, ito ay sa pamamagitan ng pagkakatawang—tao na Siya ay nasa paggawa sa Judea-at anuman ang kalagayan, ang gawain na ito ay hindi na lumawak nang lampas sa Israel. Hindi Siya nasa paggawa sa mga taga Egipto; hindi Siya nasa paggawa sa mga Indiyano; nasa paggawa lamang Siya sa mga Israelita. Samakatuwid ang mga tao ay bumuo ng iba’t-ibang pagkaintindi; bukod pa rito, binuo nila ang plano ng gawain ng Diyos sa loob ng isang tiyak na saklaw. Sabi nila na kapag ang Diyos ay nasa paggawa, dapat itong matupad sa mga piniling tao at sa Israel; maliban sa mga Israelita, ang Diyos ay wala ng iba pang tagatanggap ng Kanyang gawain, at wala rin Siyang iba pang saklaw para sa Kanyang gawain; sila ay partikular na mahigpit sa “pagdidisiplina” ng Diyos na nagkatawang tao, hindi Siya pinapahintulutan na lumampas sa saklaw ng Israel. Hindi ba lahat ng ito ay mga pagkaintindi ng tao? Ginawa ng Diyos ang lahat ng kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay, at ginawa lahat ng mga nilalang; paanong lilimitahan Niya ang Kanyang gawain na para lamang sa Israel? Kung magkagayon, ano ang silbi sa Kanya para gawin ang kabuuan ng Kanyang paglalang? Nilikha Niya ang buong sanlibutan; isinagawa Niya ang plano sa pamamahala ng anim-na libong-taon hindi lamang sa Israel kundi pati na rin sa bawat tao sa sansinukob. Hindi alintana kung sila ay nakatira sa Tsina, sa Estados Unidos, sa United Kingdom o Rusya, isang inapo ni Adan ang bawat tao; silang lahat ay ginawa ng Diyos. Walang kahit isang tao ang maaaring umaklas mula sa saklaw ng paglalang ng Diyos, at walang kahit isang tao ang maaaring makatakas sa tatak bilang “inapo ni Adan.” Nilalang silang lahat ng Diyos, at lahat sila ay inapo ni Adan; kaapu-apuhan rin sila ng ginawang tiwaling Adan at Eba. Hindi lamang ang mga Israelita ang nilalang ng Diyos, ngunit ang lahat ng mga tao; gayon pa man, sinumpa ang ilan sa mga nilikha, at pinagpala ang ilan. Maraming kanais-nais na mga bagay ang patungkol sa mga Israelita; ang Diyos sa simula ay nasa paggawa kasama nila dahil sila ang mga pinaka-di-tiwaling tao. Ang Intsik ay walang sinabi kung ihahambing sa kanila, at hindi maaaring umasa upang makapantay sila; kaya, ang Diyos ay gumawa sa pasimula sa gitna ng mga tao ng Israel, at ang pangalawang yugto ng Kanyang gawain ay natupad lamang sa Judea. Bilang resulta nito, bumuo ang mga tao ng mga maraming pagkaintindi at mga maraming patakaran. Sa totoo lang, kung kikilos Siya nang ayon sa mga pagkaintindi ng tao, ang Diyos ay magiging Diyos lamang ng mga Israelita; sa ganitong paraan hindi Niya makakayanang palawakin ang Kanyang gawain sa mga bansang Gentil, sapagkat Siya ay magiging Diyos lamang ng mga Israelita sa halip na Diyos ng lahat ng nilalang. Sinabi ng mga propesiya na magiging dakila sa mga bansang Gentil ang pangalan ni Jehovah at kakalat sa mga bansang Gentil ang pangalan ni Jehovah—bakit nila sasabihin ito? Kung ang Diyos ay Diyos lamang ng mga Israelita, sa gayon Siya ay nasa paggawa lamang sa Israel. Karagdagan pa, hindi Niya palalawakin ang gawaing ito, at hindi Niya gagawin ang propesiyang ito. Dahil ginawa Niya ang propesiyang ito, kailangan Niyang palawakin ang Kanyang gawain sa mga bansang Gentil at sa bawat bansa at lugar. Dahil sinabi Niya ito, gagawin Niya ito. Ito ang Kanyang plano, dahil Siya ay ang Panginoong lumalang ng kalangitan at lupa at lahat ng mga bagay, at ang Diyos ng lahat ng nilalang. Hindi alintana kung Siya ay nasa paggawa kasama ang mga Israelita o sa buong Judea, ang gawain Niya ay ang gawain ng buong sansinukob at ang gawain ng lahat ng sangkatauhan. Ang gawain na ginagawa Niya ngayon sa bansa ng malaking pulang dragon—sa isang bansang Gentil—ay ang gawain pa rin ng lahat ng sangkatauhan. Maaaring maging batayan ang Israel para sa Kanyang gawain sa lupa; gayon din naman, maaari ring ang Tsina ang maging batayan para sa Kanyang gawain sa gitna ng mga bansang Gentil. Hindi pa ba Niya natupad ngayon ang hula na “ang pangalan ni Jehovah ay magiging dakila sa mga bansang Gentil”? Ang unang hakbang ng Kanyang gawain sa mga bansang Gentil ay tumutukoy sa gawain na Kanyang ginagawa sa bansa ng malaking pulang dragon. Upang ang Diyos nagkatawang-tao ay maging nasa paggawa sa lupaing ito at upang maging nasa paggawa sa mga sinumpang tao ay partikular na salungat sa mga pagkaintindi ng tao; ang mga taong ito ay ang pinakamababa at walang halaga. Ito ang lahat ng mga tao na unang inabandona ni Jehovah. Maaaring abandonahin ng mga tao ang ibang tao, ngunit kung sila ay inabandona ng Diyos, hindi magkakaroon ng katayuan ang mga taong ito, at sila ay magkakaroon ng pinakamababang halaga. Bilang isang bahagi ng paglalang, ang pagiging sakop ni Satanas o inabandona ng ibang tao ay parehong mga masasakit na bagay, ngunit kung ang isang bahagi ng paglalang ay inabandona ng Panginoon ng paglalang, nagpapahayag ito na ang kanyang katayuan ay nasa isang lubusang pagkababa. Isinumpa ang mga inapo ni Moab, at ipinanganak sila sa loob ng di-mauunlad na bansang ito; walang duda, ang mga inapo ni Moab ay ang mga taong may pinakamababang katayuan sa ilalim ng impluwensiya ng kadiliman. Dahil ang mga taong ito ay nagtataglay ng pinakamababang katayuan noong nakaraan, may kakayahang sumira ng mga pagkaintindi ng tao ang gawaing ginawa sa gitna nila, at ito rin ang gawaing pinaka-kapakipakinabang sa Kanyang buong anim-na-libong-taong plano sa pamamahala. Para sa Kanya ang gumawa sa gitna ng mga taong ito ay ang aksyon na tunay na may kakayahang magwasak ng pagkaintindi ng tao; dahil dito naglunsad Siya ng isang panahon; gamit ito winawasak Niya ang lahat ng pagkaintindi ng tao; sa ganito Niya tinatapos ang gawain ng buong Kapanahunan ng Biyaya. Isinagawa sa Judea ang Kanyang unang gawain, sa loob ng saklaw ng Israel; sa mga bansang Gentil wala Siyang ginawang kahit anupamang panahong naglulunsad ng gawain. Ang huling yugto ng Kanyang gawain ay hindi lamang natupad sa mga tao ng mga bansang Gentil; higit pa, isinagawa ito sa mga sinumpang taong iyon. Ang isang puntong ito ay ang katibayan na may pinaka-kakayahang magpahiya kay Satanas; kaya, ang Diyos “ay naging” ang Diyos ng lahat ng nilalang sa sansinukob at naging Panginoon ng lahat ng bagay, ang layon ng pagsamba para sa lahat ng bagay na may buhay.

16 Nobyembre 2017

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I (2)

Biblia, Jehovah, kaligtasan, Papuri, Pananampalataya,

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I (2)

  Sa Ikalawang Araw, Isinasaayos ng Awtoridad ng Diyos ang mga Katubigan, at Ginagawa ang mga Kalawakan, at Isang Puwang para sa Pinaka-pangunahing Kaligtasan ng Sangkatauhan ay Nagpapakita
  Basahin natin ang ikalawang talata ng Biblia: “At sinabi ng Dios, Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig. At ginawa ng Dios ang kalawakan, at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan mula sa tubig na nasa itaas ng kalawakan: at nagkagayon” (Gen 1:6-7). Anong mga pagbabago ang mga nangyari matapos sabihin ng Diyos “Magkaroon ng isang kalawakan sa gitna ng tubig, at mahiwalay ang tubig sa kapuwa tubig”? Sa mga Kasulatan sinasabi na: “At ginawa ng Dios ang kalawakan, at inihiwalay ang tubig na nasa ilalim ng kalawakan mula sa tubig na nasa itaas ng kalawakan.” Ano ang resulta matapos itong sabihin at gawin ng Diyos? Ang mga kasagutan ay nakahimlay sa huling bahagi ng talata: “at nagkagayon.”

15 Nobyembre 2017

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I (1)

Biblia, buhay, Jehovah, Jesus, kaligtasan

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I

Awtoridad ng Diyos (I)
  Ang ilan sa huli kong tinalakay sa mga pagsasamahan ay tungkol sa gawain ng Diyos, disposisyon ng Diyos, at Diyos Mismo. Pagkatapos mapakinggan ang mga pagtalakay sa mga pagsasamahan na ito, naramdaman ba ninyo na nagkaroon kayo ng kaunawaan at kaalaman tungkol sa disposisyon ng Diyos? Gaano katinding kaunawaan at kaalaman? Maaari niyo ba itong lagyan ng numero? Nagbigay ba sa inyo ang mga pagsasamahang ito ng mas malalim na kaunawaan sa Diyos? Maaari bang sabihing ang kaunawaang ito ay isang tunay na kaalaman sa Diyos? Maaari bang sabihin na itong kaalaman at kaunawaan sa Diyos ay isang kaalaman sa kabuuang diwa ng Diyos, at ang lahat ng mayroon at kung ano Siya? Hindi, malinaw na hindi! Ito’y dahil nagbigay lamang ang mga pagsasamahang ito ng kaunawaan sa bahagi ng disposisyon ng Diyos, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya—hindi ang lahat ng ito, o ang kabuuan nito. Ang mga pagsasamahan ay nagpaunawa sa inyo ng bahagi sa gawaing minsa’y ginawa ng Diyos, kung saan nakita ninyo ang disposisyon ng Diyos, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, pati na rin ang pamamaraan at pag-iisip sa likod ng lahat ng Kanyang ginawa. Ngunit isa lamang itong literal, sinabing kaunawaan sa Diyos, at, sa inyong puso, nananatili kayong hindi sigurado kung gaano karami rito ang totoo. Ano ang mga pangunahing tumutukoy sa kung mayroon bang anumang katotohanan sa inyong kaunawaan sa mga naturang bagay? Natutukoy ito sa pamamagitan ng kung gaano katindi ang mga salita ng Diyos at disposisyon na tunay ninyong naranasan sa panahon ng inyong aktwal na mga karanasan, at kung gaano karami ang nakita at nalaman ninyo sa panahon ng inyong aktwal na mga karanasan. “Ang ilang mga huling pagsasamahan ay nagpaunawa sa atin ng mga bagay na ginawa ng Diyos, ang mga pag-iisip ng Diyos, at bukod diyan, ang saloobin ng Diyos tungo sa sangkatauhan at ang mga basehan ng Kanyang mga pagkilos, pati na rin ang mga prinsipyo ng Kanyang mga pagkilos. At kaya natin nauunawaan ang disposisyon ng Diyos, at nalaman ang kabuuan ng Diyos.” May nagsabi ba ng mga naturang salita? Tama ba na sabihin ito? Ito’y malinaw na hindi. At bakit ko sinabi na ito’y hindi? Ang disposisyon ng Diyos, at kung ano ang mayroon at kung ano Siya, ay naipahayag sa mga bagay na Kanyang ginawa at ang mga salitang Kanyang sinabi. Maaaring makita ng tao kung anong mayroon at kung ano ang Diyos sa pamamagitan ng gawain na Kanyang ginawa at ang mga salitang Kanyang sinabi, ngunit ito lang ay para sabihin na ang gawain at mga salita ay nagpapaunawa sa tao ng bahagi ng disposisyon ng Diyos, at bahagi ng kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Kung naisin ng tao na magkaroon pa ng mas marami at malalim na kaunawaan sa Diyos, kung gayon dapat ay mas maranasan ng tao ang mga salita at gawain ng Diyos. Bagama’t ang tao ay nagkakaroon lamang ng bahagyang kaunawaan sa Diyos kapag nakararanas ng bahagi ng mga salita o gawain ng Diyos, ito bang bahagyang kaunawaang ito ay kumakatawan sa tunay na disposisyon ng Diyos? Kumakatawan ba ito sa diwa ng Diyos? Syempre ito’y kumakatawan sa tunay na disposisyon ng Diyos, at sa diwa ng Diyos, walang duda diyan. Anumang oras o lugar, o sa kung anumang paraan gawin ng Diyos ang Kanyang gawain, o sa kung anumang anyo Siya magpakita sa tao, o sa kung anong paraan Niya ipahayag ang Kanyang kalooban, ang lahat na Kanyang ibinubunyag at ipinapahayag ay kumakatawan sa Diyos Mismo, sa diwa ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano Siya. Ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa pamamagitan ng kung ano ang mayroon at kung ano Siya, maging sa Kanyang totoong pagkakakilanlan; ito ay talagang tunay. Ngunit, ngayon, ang mga tao ay may bahagya lang na pag-unawa sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, at sa pamamagitan ng kung ano ang naririnig nila sa katuruan, at kaya sa partikular na lawak, ang kaunawaang ito ay maaaring sabihing panteoryang kaalaman lamang. Sa pagtingin sa iyong aktwal na kalagayan, maaari mo lang beripikahin ang kaunawaan o kaalaman sa Diyos na iyong narinig, nakita, o nalaman at naintindihan sa iyong puso ngayon kung ang bawat isa sa inyo ay mapagdaanan ito sa iyong mga aktwal na mga karanasan, at malaman ito nang paunti-unti. Kung hindi ko tatalakayin sa pagsasamahan ang mga salitang ito sa inyo, makukuha niyo ba ang tunay na kaalaman sa Diyos sa pamamagitan lamang ng inyong mga karanasan? Para gawin iyon, sa tingin ko, ay magiging napakahirap. Iyon ay dahil kinakailangan ng mga tao na taglayin muna ang mga salita ng Diyos para malaman kung paano makaranas. Gayun pa man, marami sa mga salita ng Diyos na kinakain ng tao, ganyan ang bilang ng maaari nilang aktwal na maranasan. Nangunguna ang salita ng Diyos sa daanan, at gagabayan ang tao sa kanyang karanasan. Sa madaling salita, para sa mga nagkaroon ng ilang tunay na karanasan, ang huling ilang mga pagsasamahan ang tutulong sa kanilang makamit ang mas malalim na pag-unawa sa katotohanan, at mas makatotohanang kaalaman sa Diyos. Ngunit para sa mga wala pang anumang tunay na karanasan, o sa mga nagsisimula pa lamang sa kanilang karanasan, o nagsisimula pa lamang na mapunta sa realidad, ito ay isang malaking pagsubok.

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.