Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pananampalataya sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na pananampalataya sa Diyos. Ipakita ang lahat ng mga post

05 Enero 2020

Naniwala tayo sa Panginoon sa loob ng maraming taon, at pinanatili natin ang Kanyang pangalan. Lagi tayong nagbabasa ng Biblia, nananalangin at kinukumpisal ang ating mga kasalanan sa Panginoon; tayo’y mapagpakumbaba, matiyaga, mapagmahal sa iba. Lagi tayong nagkakawang-gawa, nagbibigay, at nagsasakripisyo ng lahat ng iba pang bagay para magsilbi sa Panginoon at ikinakalat ang ebanghelyo para sumaksi sa Kanya. Hindi ba natin isinasagawa ang mga salita ng Panginoon at sinusunod ang Kanyang paraan? Paano mo nasabi na hindi tayo kailanman nagkaroon ng katotohanan sa pananalig sa Panginoon o isang hindi naniniwala? Sa Biblia, sinabi ni Pablo na, “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, Natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran …” (2Timoteo 4:7-8). Samakatuwid, sa tingin ko makakamit ng ating pananalig sa Panginoon ang Kanyang papuri. Kapag dumating ang Panginoon, tiyak na dadalhin Niya tayo sa kaharian ng langit.


     Sagot: Maraming mananampalataya ang nag-aakalang na hangga’t pinapanatili nila ang pangalan ng Panginoon, binabasa ang Biblia, nagdadasal at laging nagsasama-sama, nakakapagsakripisyo ng lahat ng bagay para sa Panginoon at nagsusumikap para sa Panginoon, sila ay mga tunay nang naniniwala. Akala nila na hangga’t sila’y naniniwala sa Panginoon sa ganitong paraan, maiaangat sila sa kaharian ng langit kapag Siya’y bumalik ulit. Ang paniniwala ba sa Diyos ay ganoon kadali tulad ng iniisip ng mga tao? Kung ganito maniwala ang mga tao sa Diyos, makakamit ba talaga nila ang pagtanggap ng Diyos? Iyong mga Fariseo na tinuligsa at kinondena ng Panginoong Jesus, hindi ba’t sa ganoong paraan din sila naniwala sa Diyos? Lagi silang nananalangin at nagsusumikap at naglakbay pa hanggang sa dulo ng mundo para ikalat ang ebanghelyo. Kung gayon bakit nabigong makamit ng kanilang pananalig ang pagtanggap ng Panginoon at sa halip ay natamo ang Kanyang pagkondena at mga sumpa?

30 Disyembre 2019

Tagalog Christian Movie | "Pananampalataya sa Diyos 2 – Nang Bumagsak ang Simbahan"


Tagalog Christian Movie | "Pananampalataya sa Diyos 2 – Nang Bumagsak ang Simbahan"


Mula nang maging makapangyarihan ang Chinese Communist Party, patuloy na nitong sinugpo at inusig ang Kristiyanismo at Katolisismo upang lubos na mapawi ang lahat ng paniniwala sa relihiyon at maitatag ang China bilang lugar ng ateismo. Lalo na nang maging Pangulo si Xi Jinping umabot na sa sukdulan ang mga pag-atake ng CCP sa pananampalataya, at pati na ang Three-Self Church na opisyal na pinahintulutan ay winawasak at binabaklas ang mga krus.
Si Yu Congguang ay isang evangelista na gagawa ng mapanganib na pagtakas mula sa isang maramihang pag-aresto ng CCP. Pagkatapos niyon, pupunta siya sa bahay ng Kristiyanong si Chen Song'en ng Three-Self Patriotic Movement. Gigibain ng CCP ang simbahan ng Three-Self Patriotic Movement ni Chen Song'en, at ipagdarasal ng ilan sa simbahan, matapos makinig sa mga turo ng kanilang mga pastor at elder, ang rehimeng CCP, sa paniwalang sa paggawa nito, sinusunod nila ang mga salita ng Panginoong Jesus na, "Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang sa inyo'y nagsisiusig" (Mateo 5:44).

24 Oktubre 2019

Tagalog Christian Movie | "Pananampalataya sa Diyos 2 – Nang Bumagsak ang Simbahan" (Clip 1/2) Ano ang Ibig Sabihin ng Panginoon sa "Idalangin Ninyo ang sa Inyo’y Nagsisiusig"?


Tagalog Christian Movie | "Pananampalataya sa Diyos 2 – Nang Bumagsak ang Simbahan" (Clip 1/2) Ano ang Ibig Sabihin ng Panginoon sa "Idalangin Ninyo ang sa Inyo’y Nagsisiusig"?



Mula nang maging makapangyarihan ang Chinese Communist Party, patuloy na nitong sinugpo at inusig ang Kristiyanismo at Katolisismo upang lubos na mapawi ang lahat ng paniniwala sa relihiyon at maitatag ang China bilang lugar ng ateismo. Lalo na nang maging Pangulo si Xi Jinping umabot na sa sukdulan ang mga pag-atake ng CCP sa pananampalataya, at pati na ang Three-Self Church na opisyal na pinahintulutan ay winawasak at binabaklas ang mga krus.

23 Setyembre 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Ikalawang bahagi)"



Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw | "Ang Pag-alam sa Tatlong mga Yugto ng Gawain ng Diyos ay ang Daan Patungo sa Pagkilala sa Diyos (Ikalawang bahagi)"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang tatlong mga yugto ng gawain ay nasa puso ng buong pamamahala ng Diyos, at sa mga ito ay ipinahayag ang disposisyon ng Diyos at kung ano Siya. Yaong mga hindi nakaaalam tungkol sa tatlong mga yugto ng gawain ng Diyos ay walang kakayanang tantuin kung paano ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang disposisyon,

28 Agosto 2019

Mga Pagbigkas ni Cristo | Paunang Salita


Mga Pagbigkas ni Cristo | Paunang Salita


Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman alam na alam ng mga tao ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na lahat niyaong mga hindi nakakakilala sa Diyos ay nagtataglay ng isang magulong paniniwala.

24 Marso 2019

Dapat Kang Mamuhay Para sa Katotohanan Yamang Naniniwala Ka sa Diyos


Ang karaniwang problema na umiiral sa lahat ng mga tao ay yaong nauunawaan nila ang katotohanan nguni’t hindi ito naisasagawa. Ang isang salik ay yaong ayaw ng tao na magbayad ng halaga, at ang isa pa ay yaong masyadong di-sapat ang pagtalos ng tao; hindi niya kayang makakita nang lampas sa marami sa mga paghihirap na umiiral sa tunay na buhay at hindi alam kung paano ang wastong pagsasagawa.

21 Enero 2019

3. Ang Kaligtasan ay Maaari Lamang Makamtan sa Pamamagitan ng Pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

  Nang si Jesus ay naparito sa mundo ng tao, dinala Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahon ng mga huling araw, ang Diyos ay muling naging katawang-tao, at nang Siya’s naging katawang-tao sa panahong ito, tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at dinala ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang lahat ng mga tumatanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay madadala tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at personal na makakatanggap ng paggabay ng Diyos.

12 Disyembre 2018

Clip ng Pelikulang (3) "Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kumakatawan sa Paniniwala sa Diyos?"


Clip ng Pelikulang Kumawala sa Bitag (3) | "Ang Paniniwala ba sa Biblia ay Kumakatawan sa Paniniwala sa Diyos?"



Nanghahawakan ang mga pastor at elder ng mga relihiyon sa mga salita ni Pablo sa Biblia na nagsasabing "Ang lahat ng mga kasulatan [ay] kinasihan ng Dios," na naniniwala na ang Biblia ay puro salita ng Diyos at ginagawa nila ang lahat para purihin at patotohanan ang Biblia, na ipinapantay ang Biblia sa Diyos. Naniniwala sila na ang Biblia ay kumakatawan sa Panginoon at na ang pananalig sa Panginoon ay pananalig sa Biblia. Kaya talaga bang ibinigay ang buong Biblia sa inspirasyon ng Diyos? Ang gawain ba ng Diyos ang nagpasimula sa Biblia, o ang Biblia ang nagpasimula sa gawain ng Diyos? Talaga bang maaaring katawanin ng Biblia ang Panginoon? Gagabayan kayo ng maikling videong ito sa tamang landas.

30 Nobyembre 2018

Tagalog Christian Movie 2018 | Pananalig sa Diyos (Trailer)


Si Yu Congguang ay nangangaral ng ebanghelyo para sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Habang nangangaral ng ebanghelyo, tinugis siya ng Komunistang gobyerno ng Tsina. Tumakas siya sa mga kabundukan, kung saan nakatanggap siya ng tulong mula kay Zheng Xun, isang katrabaho sa lokal na bahay iglesia. Nang una silang nagkita, pakiramdam nila ay matagal na nilang kilala ang bawat isa. Dinala ni Zheng Xun si Yu Congguang sa kubo kung saan siya at ng kanyang mga katrabaho ay nagtipon.

15 Oktubre 2018

Tanging Yaong Nakararanas ng Gawain ng Diyos ang Tunay na Naniniwala sa Diyos

Karanasan,Naniniwala sa Diyos




Bagaman maraming tao ang naniniwala sa Diyos, kakaunti ang nakakaunawa kung ano ang kahulugan ng pananampalataya sa Diyos, at kung ano ang dapat nilang gawin upang makasunod sa puso ng Diyos. Ito ay dahil, bagaman ang mga tao ay alam na alam ang salitang “Diyos” at mga parirala tulad ng “ang gawain ng Diyos,” hindi nila kilala ang Diyos, lalong hindi nila alam ang Kanyang gawain. Hindi nakapagtataka, kung gayon, na lahat niyaong mga hindi nakakakilala sa Diyos ay nagtataglay ng isang magulong paniniwala. Ang mga tao ay hindi seryoso sa kanilang paniniwala sa Diyos sapagka’t ang paniniwala sa Diyos ay masyadong di-kilala, masyadong kakaiba para sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi sila makaabot sa mga hinihingi ng Diyos.

19 Setyembre 2018

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos-Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos

pananampalataya sa Diyos, tumalima, Pag-bigkas ng Diyos, Salita ng Diyos, Ang Kalooban ng Diyos,


Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Karamihan sa mga tao ay nalilito sa tanong na ito. Sila ay palaging may dalawang lubos na magkaibang pananaw tungkol sa praktikal na Diyos at sa Diyos na nasa langit, nagpapakita na sila ay naniniwala sa Diyos hindi para tumalima, nguni’t para makatanggap ng ilang mga pakinabang, o para makatakas sa paghihirap ng kapahamakan. Saka lamang sila medyo tumatalima, subali’t ang kanilang pagtalima ay may kundisyon, ito ay para sa kapakanan ng kanilang mga sariling adhikain, at ipinilit sa kanila. Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Kung ito ay para lamang sa kapakanan ng iyong mga adhikain, at iyong tadhana, mas mabuti pang huwag ka na lamang maniwala. Ang paniniwalang tulad nito ay panlilinlang-sa-sarili, paniniguro-sa-sarili, at pagpapahalaga-sa-sarili.

01 Agosto 2018

Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II (Ikaapat na bahagi)

salita ng Diyos, pananampalataya sa Diyos,  espiritu, panalangin, karanasan
。*。




  Ang Di-Natitinag na Katapatan ni Job ay Nagdadala ng Kahihiyan kay Satanas at Nagiging Sanhi ng Pagtakas Nito nang may Pagkasindak

  At ano ang ginawa ng Diyos noong sumasailalim si Job sa pagpapahirap na ito? Ang Diyos ay nagmasid, at nanood, at naghintay ng kalalabasan. Habang nagmamasid at nanonood ang Diyos, ano ang nadama Niya? Siyempre nakadama Siya ng pighati. Ngunit, bilang resulta ng Kanyang kalungkutan, pinagsisihan kaya Niya ang Kanyang pahintulot kay Satanas na tuksuhin si Job? Ang sagot ay, Hindi, hindi Niya pinagsisihan. Sapagka’t matatag Siyang naniwala na perpekto at matuwid si Job, na siya ay may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Binigyan lang ng Diyos si Satanas ng pagkakataon na patunayan ang pagkamatuwid ni Job sa harap ng Diyos, at para ibunyag ang sarili nitong kasamaan at kasuklam-suklam na kalagayan. Bukod diyan, pagkakataon ito para patunayan ni Job ang kanyang pagkamatuwid at takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan sa harap ng mga tao sa mundo, kay Satanas, at kahit sa mga taong sumusunod sa Diyos. Pinatunayan ba ng kinalabasang ito na ang pagsusuri ng Diyos kay Job ay tama at walang pagkakamali? Talaga bang nangibabaw si Job kay Satanas? Dito ay mababasa natin ang mga pangkaraniwang salita na sinabi ni Job, mga salitang patunay na napagtagumpayan niya si Satanas. Sinabi niya: “Hubad akong lumabas sa sinapupunan ng aking ina, at hubad na babalik ako roon:” Ganito ang pagkamasunurin ni Job sa Diyos. Susunod, sinabi niya: “si JEHOVA ang nagbigay, at si JEHOVA ang nag-alis; purihin ang pangalan ni JEHOVA.” Ang mga salitang ito na sinabi ni Job ay patunay na pinagmamasdan ng Diyos ang kailaliman ng puso ng tao, na nakikita Niya ang nasa isip ng tao, at pinatutunayan ng mga ito na ang Kanyang pagsang-ayon kay Job ay walang pagkakamali, na ang taong ito na sinang-ayunan ng Diyos ay matuwid. “si JEHOVA ang nagbigay, at si JEHOVA ang nag-alis; purihin ang pangalan ni JEHOVA.” Ang mga salitang ito ay patotoo ni Job sa Diyos. Ang mga pangkaraniwang salitang ito ang nagpasuko kay Satanas, nagdala dito ng kahihiyan at naging dahilan ng pagtakas nito nang may pagkasindak, at, higit pa rito, nagkadena sa kanya at nag-iwan sa kanyang walang mga mapagkukunan. Gayundin, ang mga salitang ito ang nagparamdam kay Satanas ng kamanghaan at kapangyarihan ng mga gawa ng Diyos na Jehovah, at nagpahintulot ditong makita ang pambihirang bighani ng isang tao na ang puso ay pinamamahalaan ng paraan ng Diyos. Bukod pa rito, pinatunayan ng mga ito kay Satanas ang pambihirang sigla na ipinakita ng isang maliit at hamak na tao sa pag-ayon sa daan na may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Kaya natalo si Satanas sa unang paligsahan. Sa kabila ng kanyang “pinagtrabahuhang pananaw,” walang balak si Satanas na pakawalan si Job, at wala ring anumang pagbabago sa kanyang malisyosong kalikasan. Sinikap ni Satanas na patuloy na lusubin si Job, at minsan pang tumayo sa harap ng Diyos. ...

19 Hunyo 2018

Tagalog Christian Songs | "Si Satanas ay Walang Maaaring Mabago sa Ilalim ng Awtoridad ng Diyos"



I
Sa maraming taon, libu-libong taon,
na ang tao'y ginagawang tiwali ni Satanas,
gumawa ng higit na kasamaan.
Mga salinlahi, isa-isang nalinlang nito.
Oh, maraming krimen, kakila-kilabot na krimen
na ginawa ni Satanas sa buong mundong 'to.
Ang tao'y pinukaw na labanan ang Diyos,
inabuso, dinaya ang tao,
hinanap upang wasakin ang plano sa pamamahala ng Diyos.
Bagaman si Satanas ay lumalakad sa mga bagay
na nilikha ng Diyos,
hindi nito, kahit kaunti, mababago ang tao o mga bagay.
Bagaman si Satanas ay lumalakad sa mga bagay
na nilikha ng Diyos,
wala 'tong mababago.
Walang nagbabago sa ilalim ng mga utos ng Diyos.
Walang ni isang bagay itong mababago.
Walang nagbabago sa ilalim ng mga utos ng Diyos.

25 Abril 2018

Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag


Mga Salita ng na Makapangyarihang DiyosAng mga Nagmamahal sa Diyos ay Magpakailanmang Mamumuhay sa Loob ng Kanyang Liwanag


    Ang substansya ng paniniwala sa Diyos ng karamihan ng tao ay ang paniniwala sa relihiyon: Ang mga ito ay hindi kayang umibig sa Diyos, at maaari lamang sundin ang Diyos tulad ng isang robot, hindi magawang tunay na maghangad para sa Diyos o sambahin Siya. Sila ay sumusunod lamang sa Kanya nang tahimik. Maraming tao ang naniniwala sa Diyos, ngunit kaunti lamang ang mga umiibig sa Diyos; iginagalang lamang nila ang Diyos dahil takot sila sa sakuna, o kaya hinahangaan nila ang Diyos dahil Siya ay mataas at makapangyarihan—ngunit sa kanilang paggalang at paghanga ay walang pag-ibig o tunay na matinding paghangad. Sa kanilang mga karanasan kanilang hinahanap ang mga detalye ng katotohanan, o kaya ibang hindi gaanong mahalagang misteryo. Karamihan ng tao ay sumusunod lamang, nangingisda sila sa maburak na tubig upang makatanggap lamang ng mga biyaya; hindi nila hinahanap ang katotohanan, at hindi rin sila tunay na sumunod sa Diyos upang makatanggap ng mga biyaya ng Diyos. Ang buhay ng lahat ng paniniwala ng tao sa Diyos ay walang kahulugan, ito ay walang halaga, at sa loob nito ay ang kanilang mga pansariling pag-iintindi at paghahangad; hindi sila naniniwala sa Diyos upang ibigin ang Diyos, ngunit para sa kapakanan ng pagiging mapalad. Maraming tao ang kumikilos ayon sa gusto nila, ginagawa nila ang anumang kanilang naisin, at hindi kailanman iniintindi ang mga kagustuhan ng Diyos, o kung ang ginagawa nila ay alinsunod sa kalooban ng Diyos. Ang mga ganitong tao ay hindi kayang magkamit ng tunay na paniniwala, mas lalo na ang pag-ibig ng Diyos. Ang substansya ng Diyos ay hindi lamang para paniwalaan ng tao; ito ay, higit pa rito, para ibigin ng tao. Subalit karamihan ng tao na naniniwala sa Diyos ay hindi kayang tuklasin itong “lihim.” Hindi naglalakas-loob ang mga tao na ibigin ang Diyos, o subukan man lang ibigin Siya. Hindi nila kailanman natuklasan na marami ang kaibig-ibig sa Diyos, hindi nila kailanman natuklasan na ang Diyos ay ang Diyos na nagmamahal sa tao, at Siya ang Diyos na dapat ibigin ng tao. Ang kagandahan ng Diyos ay ipinahayag sa Kanyang gawa: Kapag naranasan nila ang Kanyang gawa, saka lamang matutuklasan ng tao ang Kanyang kagandahan, sa tunay na mga karanasan lamang nila maaaring pahalagahan ang kagandahan ng Diyos, at ang hindi pagsunod nito sa tunay na buhay, walang sinuman ang maaaring makatuklas ng kagandahan ng Diyos. Marami ang kaibig-ibig sa Diyos, ngunit hindi ito magagawang tuklasin ng tao nang hindi nakikipag-ugnayan sa Kanya nang aktwal. Na ang ibig sabihin, kung hindi naging tao ang Diyos, hindi magagawa ng mga tao ang aktwal na makipag-ugnayan sa Kanya, at kung hindi nila magawang aktwal na makipag-ugnayan sa Kanya, hindi rin sila makararanas ng Kanyang gawa—at pati ang kanilang pag-ibig sa Diyos ay mababahiran ng mga kasinungalingan at imahinasyon. Ang pag-ibig ng Diyos sa langit ay hindi tunay na tulad ng pag-ibig ng Diyos sa lupa, sapagka’t ang pagkilala ng mga tao ng Diyos sa langit ay gawa lamang sa kanilang mga imahinasyon, sa halip na kung ano ang kanilang nakita sa kanilang sariling mga mata, at kung ano ang kanilang naging sariling karanasan. Kapag dumating ang Diyos sa lupa, magagawang pagmasdan ng mga tao ang Kanyang aktwal na mga gawa at Kanyang kagandahan, at maaari nilang makita ang lahat ng Kanyang praktikal at karaniwang disposisyon, ang lahat ng ito ay libu-libong beses na mas totoo kaysa sa pagkilala sa Diyos sa langit. Hindi alintana sa kung gaano kamahal ng sangkatauhan ang Diyos sa langit, walang kahit ano ang totoo sa pag-ibig na ito, at ito ay puno ng kuru-kuro ng tao. Gaano man kaliit ang kanilang pag-ibig para sa Diyos sa lupa, ang pag-ibig na ito ay totoo; kahit na may kaunti lamang nito, ito ay totoo pa rin. Nagpapakilala ang Diyos sa tao sa pamamagitan ng tunay na gawa, at sa pamamagitan ng kaalaman na ito nakakamit Niya ang kanilang pag-ibig. Katulad ito ni Pedro: Kung hindi siya nanirahan kasama si Jesus, naging imposible para sa kanyang sambahin si Jesus. Gayundin, ang kanyang katapatan kay Jesus ay nabuo sa kanyang pakikipag-ugnayan kay Jesus. Upang mahalin Siya ng tao, ang Diyos ay dumating sa gitna ng tao at namuhay kasama ng tao, at lahat ng Kanyang ginagawa na nakikita at nararanasan ng tao ay katotohanan ng Diyos.

30 Marso 2018

Salita ng Diyos | Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain sa Kapanahunan ng Kautusan




    Ang gawain na ginawa ni Jehova sa mga Israelita ay itinatag sa gitna ng sangkatauhan ng panlupang lugar na pinagmulan ng Diyos, na siya ring banal na lugar kung saan Siya naroon. Nilimitahan Niya ang Kanyang gawain sa bayan ng Israel. Noong una, hindi Siya gumawa sa labas ng Israel; sa halip, pinili Niya ang isang bayan na natagpuan Niyang angkop upang itakda ang sakop ng Kanyang gawain. Ang Israel ang lugar kung saan nilikha ng Diyos si Adan at Eba, at mula sa alabok sa lugar na iyon nilikha ni Jehova ang tao; ang lugar na ito ay naging himpilan ng Kanyang gawain sa lupa. Ang mga Israelita, na siyang mga inapo ni Noe at mga inapo din ni Adan, ay ang mga makataong pundasyon ng gawain ni Jehova sa lupa.

19 Pebrero 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang DiyosTunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos


I
Maraming tao'ng naniniwala,
ngunit kaunti lang ang nakakaunawa sa pananampalataya sa Diyos,
paano ba sasabayan ang pintig ng Kanyang puso.
Maraming may alam sa mga salitang "Diyos" at "gawain ng Diyos,"
ngunit di Siya kilala at ang mga gawain Niya.
Kaya pananalig nila'y bulag.
Sila'y di seryoso dito dahil ito'y kakaiba.
Kaya kapos sila sa mga hinihingi ng Diyos.
Kung di mo kilala ang Diyos at gawain N'ya,
angkop ka bang gamitin N'ya?
Matutupad mo ba ang hangad ng Diyos?

22 Disyembre 2017

Salita ng Diyos | Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan sa Kaligtasan ng Diyos na Nagkatawang-tao

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos  | Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan sa Kaligtasan ng Diyos na Nagkatawang-tao



    Naging nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang katawang-tao na bagay, kundi ang tao, na katawang-tao at ginawang tiwali ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang katawang-tao ng tao ay naging tiwali kaya ginawa ng Diyos ang taong nagkatawang-tao na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, ginawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng mga yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang may kamatayan na nilalang, na may katawang-tao at dugo, at ang Diyos lamang ang Nag-iisa na maaaring magligtas sa tao. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay dapat maging isang tao na nagtataglay ng parehong mga katangian bilang tao upang gawin ang Kanyang gawain, upang makamit ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga epekto. Kailangang maging tao ng Diyos upang gawin ang Kanyang gawain dahil ang tao ay sa katawang-tao, at hindi kayang pagtagumpayan ang kasalanan o alisin ang sarili sa katawang-tao. Kahit na ang diwa at pagkakakilanlan ng Diyos na nagkatawang-tao ay malaki ang pagkakaiba mula sa diwa at pagkakakilanlan ng tao, gayon pa man ang Kanyang hitsura ay kapareho ng tao, nasa Kanya ang hitsura ng isang pangkaraniwang tao, at pinangungunahan ang buhay ng isang karaniwan na tao, at yaong mga makakakita sa Kanya ay walang makikitang pagkakaiba sa isang karaniwang tao. Ang karaniwang hitsura na ito at normal na pagkatao ay sapat para sa Kanya na gawin ang Kanyang banal na gawain sa normal na pagkatao. Ang Kanyang katawang-tao ay nagbibigay-daan sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa normal na pagkatao, at tumutulong sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng tao, at ang Kanyang normal na pagkatao, bukod doon, ay tumutulong sa Kanya na isagawa ang gawain ng pagliligtas sa gitna ng tao. Kahit ang Kanyang normal na pagkatao ay naging sanhi ng malaking kaguluhan sa gitna ng tao, ang ganoong kaguluhan ay hindi nakaapekto sa karaniwang mga bunga ng Kanyang gawain. Sa madaling salita, ang gawain ng Kanyang normal na katawang-tao ay may sukdulang pakinabang sa tao. Kahit na karamihan sa mga tao ay hindi tinatanggap ang Kanyang normal na pagkatao, ang Kanyang gawain ay maaari pa ring maging mabisa, at ang mga epekto na ito ay nakakamit salamat sa Kanyang normal na pagkatao. Ito ay walang pag-aalinlangan. Mula sa Kanyang gawain sa katawang-tao, ang tao ay makakakuha ng sampung beses o dose-dosenang beses na higit na mga bagay kaysa sa mga pagkaintindi na umiiral sa gitna ng tao tungkol sa Kanyang normal na pagkatao, at ang ganoong mga pagkaintindi sa huli ay dapat na lahat ay lulunin ng Kanyang gawain. At ang epekto na nakamit ng Kanyang gawain, na kung sabihin, ang kaalaman ng tao tungo sa Kanya, ay malayong mahigitan ang mga pagkaintindi ng tao tungkol sa Kanya. Walang paraan upang isipin o sukatin ang gawain na ginagawa Niya sa katawang-tao, dahil ang Kanyang katawang-tao ay hindi katulad ng sinumang tao sa katawang-tao; kahit na ang panlabas na balat ay magkapareho, ang sangkap ay hindi pareho. Ang Kanyang katawang-tao ay gumagawa ng maraming mga pagkaintindi sa gitna ng tao tungkol sa Diyos, gayon pa man ang Kanyang katawang-tao ay maaari ring payagan ang tao upang makakuha ng maraming kaalaman, at maaari ding lupigin ang sinumang tao na nagmamay-ari ng isang katulad na panlabas na balat. Dahil Siya ay hindi lamang isang tao, kundi ang Diyos na may panlabas na balat ng isang tao, at walang maaaring ganap na tarukin o makaintindi sa Kanya. Ang isang hindi nakikita at hindi mahipo na Diyos ay minamahal at tinatanggap ng lahat. Kung ang Diyos ay isa lamang Espiritu na hindi nakikita ng tao, napakadali para sa tao na maniwala sa Diyos. Ang tao ay maaaring magbigay ng libreng renda sa kanyang imahinasyon, maaaring pumili ng kahit anong imahe na gusto niya bilang imahe ng Diyos upang malugod ang kanyang sarili at gawing masaya ang kanyang sarili. Sa ganitong paraan, maaaring gawin ng tao ang anuman na pinaka-kasiya-siya sa kanyang sariling Diyos, at na kung saan ang Diyos na ito ay pinakahanda na gawin, nang walang anumang pag-aalinlangan. Higit pa rito, ang tao ay naniniwala na walang sinuman ang mas tapat at masipag kaysa kanya sa kabanalan sa Diyos, at na ang lahat ng iba ay mga Gentil na mga aso, at mga di-matapat sa Diyos. Maaaring sabihin na ito ang hinahangad ng mga malabo at batay sa doktrina ang paniniwala sa Diyos; ang kanilang hinahanap ay lahat ng higit na magkakapareho, na may kaunting pagkakaiba. Ito lamang dahil sa ang mga imahe ng Diyos sa kanilang mga imahinasyon ay naiiba, ngunit ang kanilang diwa ay tunay na pareho.

20 Disyembre 2017

Ang Pag-ibig ng Diyos ay ang Pinakatunay

Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang DiyosAng Pag-ibig ng Diyos ay ang Pinakatunay


Wenzhong, Beijing

Agosto 11, 2012

    Noong gabi ng Hulyo 21, 2012, nagkaroon ng malaking baha sa amin na hindi karaniwang nangyayari. Nais kong ipahayag sa lahat ng nauuhaw sa Diyos ang aking talagang naranasan at nakita nang araw na iyon.

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.