Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na himno. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na himno. Ipakita ang lahat ng mga post

14 Marso 2019

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | "Isang Ilog ng Tubig ng Buhay"


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Isang Ilog ng Tubig ng Buhay


I
Isang ilog ng tubig ng buhay, singlinaw ng kristal,
umaagos mula sa trono ng Diyos at ng Kordero.
Sa kabilaang bahagi ng ilog ay naroon ang puno ng buhay,
na may labindalawang uri ng bunga,
at nahihinog bawat buwan.
Ang mga dahon ng puno ay sa pagpapagaling ng mga bansa.
Mawawala na ang sumpa, wala nang sumpa.

13 Enero 2019

Tagalog Christian Music Video | "Ang Disposisyon ng Diyos Ay Mataas at Dakila"


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Disposisyon ng Diyos Ay Mataas at Dakila

I
Galit ang Diyos dahil ang mga bagay na di matuwid
ay nandito upang guluhin ang sangkatauhan,
at ang kadiliman at kasamaa'y umiiral,
gaya ng mga bagay na nagtataboy sa katotohanan,
at may mga bagay na laban sa kabutihan.
Ang poot N'ya ang simbolo
ng wakas ng lahat ng masasamang bagay,
at higit pa ang simbolo ng Kanyang kabanalan,
ang simbolo ng Kanyang kabanalan.

12 Enero 2019

Ang Inaasahan ng Diyos sa Sangkatauhan ay Hindi Kailanman Nagbago



Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Inaasahan ng Diyos sa Sangkatauhan
ay Hindi Kailanman Nagbago

I
Mula nang nilikha Niya ang tao sa simula,
naghangad ang Diyos ng ‘sang grupo,
‘sang grupo ng mga mananagumpay,
‘sang grupo na lalakad kasama Niya at kayang umintindi,
umunawa, makaalam ng Kanyang disposisyon.
‘Di alintana kung gaano pa Siya katagal maghintay,
‘di alintana kung gaano kahirap ang daang haharapin,
gaano man kalayo ang mga hinahangad Niyang layunin,
‘di nagbago o sumuko ang Diyos sa mga inaasahan Niya sa tao.
Itong hiling ng Diyos ay ‘di nagbago kailanman.
Itong hiling ng Diyos ay nananatiling pareho.
Itong hiling ng Diyos ay ‘di nagbago kailanman.
Itong hiling ng Diyos,
itong hiling ng Diyos ay ‘di kukupas kailanman.

14 Oktubre 2018

Tagalog Music-Kilalang-kilala ni Pedro ang Diyos

Pedro


I
Matagal nang tapat sa Diyos si Pedro,
pero kailanma'y di nagreklamo.
Maging si Job di n'ya kapantay,
lalong higit mga banal sa buong panahon.
Di lang niya hinangad na Diyos ay kilalanin,
pero makilala S'ya kapag nagpakana si Satanas.
Taon ng serbisyo napalugod ang Diyos;
Di s'ya makasangkapan ni Satanas.
Kilala ni Pedro ang Diyos,
kilalang-kilala ni Pedro ang Diyos.
Kaalaman niya tungkol sa Diyos, mas marami kaysa iba.

14 Hulyo 2018

Buhay musika | Gusto ng Diyos ang mga Sumusunod sa Katotohanan

Awit ng Pagsamba | Gusto ng Diyos ang mga Sumusunod sa Katotohanan


I
Kung susundin mo ang hinihingi ng Diyos
at totoo ang direksyon mo,
kahit mawala ka sa landas nang bahagya,
o mahulog sa kahinaan,
hindi ito tatandaan ng Diyos;
sa halip, paroroon Siya upang suportahan ka.
Anong uri ng tao ang gusto ng Diyos?
Gusto ng Diyos ang mga sumusunod sa katotohanan,
isang taong may determinasyon,
tapat, kahit na sa kamangmangan.

19 Hunyo 2018

Tagalog Christian Songs | "Si Satanas ay Walang Maaaring Mabago sa Ilalim ng Awtoridad ng Diyos"



I
Sa maraming taon, libu-libong taon,
na ang tao'y ginagawang tiwali ni Satanas,
gumawa ng higit na kasamaan.
Mga salinlahi, isa-isang nalinlang nito.
Oh, maraming krimen, kakila-kilabot na krimen
na ginawa ni Satanas sa buong mundong 'to.
Ang tao'y pinukaw na labanan ang Diyos,
inabuso, dinaya ang tao,
hinanap upang wasakin ang plano sa pamamahala ng Diyos.
Bagaman si Satanas ay lumalakad sa mga bagay
na nilikha ng Diyos,
hindi nito, kahit kaunti, mababago ang tao o mga bagay.
Bagaman si Satanas ay lumalakad sa mga bagay
na nilikha ng Diyos,
wala 'tong mababago.
Walang nagbabago sa ilalim ng mga utos ng Diyos.
Walang ni isang bagay itong mababago.
Walang nagbabago sa ilalim ng mga utos ng Diyos.

30 Mayo 2018

Cristianong Musikang | Ang Kabuluhan ng Pagpapakita ng Diyos



I
Ang pagpapakita ng Diyos ay nangangahulugang
Siya'y gumagawa sa lupa sa Kanyang sarili.
Taglay ang Kanyang pagkakilanlan, disposisyon at sa sarili Niyang paraan,
sa tao Siya'y bumaba upang simulan at tapusin ang isang kapanahunan.
Ang pagpapakita Niya'y di larawan o tanda at hindi ito seremonya.
Hindi ito himala o dakilang pangitain.
Hindi ito prosesong pangrelihiyon.
Ito'y tunay, nahahawakan at nakikita, mahahawakan at matutunghayan.
Ang pagpapakita Niya'y di para sa pagsunod sa isang proseso,
o para sa isang panandaliang gawain.
Sa halip ito'y para sa isang yugto ng pamamahala ng Diyos.

01 Mayo 2018

purihin ang Diyos | ng Diyos ang Lahat ng Pag-ibig Niya sa Sangkatauhan


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Naibibigay ng Diyos ang Lahat ng Pag-ibig Niya sa Sangkatauhan



I
Maging sa pagpapakita ng pagkamatuwid N'ya,
kamahalan N'ya o poot,
isinasagawa ng D'yos ang pamamahala N'ya't
inililigtas ang tao dahil sa pag-ibig N'ya.
Gaano kalaking pag-ibig? Ila'y nagtanong.
Hindi ito konting pag-ibig,
isangdaang pors'yento pag-ibig ng D'yos.
Dahil kung ang pag-ibig ng Diyos
ay medyo mas kaunti lamang,
ang mga tao ay hindi maliligtas.
Para sa sangkatauhan lahat ng pag-ibig N'ya,
ibinibigay ng D'yos.
Ibinibigay ng D'yos lahat ng pag-ibig N'ya.
Ibinibigay ng D'yos lahat ng pag-ibig N'ya.
Ibinibigay ng D'yos lahat ng pag-ibig N'ya
sa sangkatauhan,
Ibinibigay N'ya lahat ng pag-ibig N'ya.
Ibinibigay N'ya pag-ibig N'ya.

26 Abril 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Tunay Ngang Dumating ang Diyos sa Gitna ng Mga Tao

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang DiyosTunay Ngang Dumating ang Diyos sa Gitna ng Mga Tao


Dinadala ng Diyos ang wakas ng sangkatauhan sa mundo ng tao.
Pagkatapos, nilalantad N'ya Kanyang buong disposisyon,
upang lahat ng taong nakakakilala at hindi sa Diyos
masisiyahang tititigan at nakikita na pumaparito ang Diyos
sa kalagitnaan ng mga tao,
sa lupa kung sa'n lahat ng bagay lumalago.
Ito ang plano ng Diyos.
Ito ang tangi Niyang "pahayag" mula nang nilalang niya ang tao.
Nais ng Diyos na
buong-puso niyong pagmasdan ang bawat kilos Niya,
dahil tungkod Niya'y nalalapit na naman sa sangkatauhan.
Lumalapit ito sa sangkatauhang tumututol sa Kanya.

24 Abril 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang Diwa ni Cristo ay Nalalaman sa Gawa't Pagpapahayag Niya

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Diwa ni Cristo ay Nalalaman sa Gawa't Pagpapahayag Niya


 Ang diwa ni Cristo ay nalalaman sa
gawa't pagpapahayag Niya.
May isang pusong totoo, ginaganap Niya 'yong pinagkatiwala,
sinasamba ang Diyos sa langit
at hinahanap ang kalooban ng Ama.
Nalalaman 'to sa diwa't natural na pagbubunyag Niya.
Natural na pagpapahayag Niya'y hindi panggagaya,
o mula sa mga taong pag-aaral ng tao.
Ang mga ito'y hindi natututunan, bagkus ito'y likas.
Ang mga ito'y hindi natututunan, bagkus ito'y likas.

15 Marso 2018

Kristianong Awitin | Diyos Lamang ang May Landas ng Buhay

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Diyos Lamang ang May Landas ng Buhay

I
Ang landas ng buhay ay bagay na di-taglay ng sinuman;
bagay na di madaling kunin ng kahit na sino.
Dahil buhay ay sa Diyos lang nagmumula,
Diyos lang ang may diwa ng buhay,
Diyos lang ang may landas ng buhay.
Kaya Diyos lang pinagmumulan ng buhay,
at ang laging dumadaloy na bukal ng buhay na tubig ng buhay.
Mula sa paglikha ng mundo, maraming gawaing nagawa ang Diyos
na kasama ang sigla, na nagbibigay ng buhay sa tao;
Nagbayad Siya nang mahal upang tao’y makatamo ng buhay.
Dahil ang Diyos Mismo ang walang hanggang buhay;
Siya ang daan upang tao’y muling mabuhay.

03 Marso 2018

Sa pamamagitan lamang ng Paggawa sa katawang tao Makukuha ng Diyos ang Sangkatauhan

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sa pamamagitan lamang ng Paggawa sa katawang tao Makukuha ng Diyos ang Sangkatauhan


 I
Sa pamamagitan ng salita ng praktikal na Diyos,
ang mga kahinaan at rebelyon ng tao
ay hinahatulan at ibinubunyag.
Pagkatapos ay tinatanggap ng tao ang kailangan nila.
Nakikita nila na dumating
na ang Diyos sa mundong ito ng tao.
Ang gawain ng praktikal na Diyos
ay nagnanais na iligtas ang lahat
mula sa impluwensiya ni Satanas,
inililigtas sila mula sa karumihan,
mula sa kanilang disposisyon na tiniwali ni Satanas.
Ang pagiging nakamtan ng Diyos ay nangangahulugang
sundan ang Kanyang halimbawa
bilang perpektong modelo ng tao.
Sundin ang praktikal na Diyos,
mabuhay ng normal na pagkatao,
panatilihin ang Kanyang mga salita at hinihingi,
ganap na panatilihin ang sinasabi Niya,
at makamit ang anumang hinihiling Niya,
sa gayon ay makakamit ka ng Diyos.

28 Pebrero 2018

Sa mga Huling Araw Pangunahing Tinutupad ng Diyos ang Lahat sa Pamamagitan ng Salita

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sa mga Huling Araw Pangunahing Tinutupad ng Diyos ang Lahat sa Pamamagitan ng Salita


I
Sa mga huling araw, Diyos ay nagiging-tao.
Sa salita Niya tinutupad lahat,
Sa salita Niya inihahayag lahat.
Tanging sa salita makikita ang ganap na Siya, na mismong Siya ay Diyos.
Pumaparito sa lupa ang naging-taong Diyos
tanging upang ihayag ang Kanyang salita.
Kaya, wala nang tanda, sapat na ang salita ng Diyos.

27 Pebrero 2018

Kanta ng Papuri (Tagalog) | Maghandog ng Pag-ibig sa Diyos


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang DiyosKanta ng Papuri (Tagalog) | Maghandog ng Pag-ibig sa Diyos



Diyos nagkatawang-tao upang mamuhay sa gitna natin.
Sa kababaa't kahihiyan, inalay sa'tin kaligtasan.
Nguni't 'di ko S'ya kilala o naunawaan, panay karaingan.
Anong dalamhati ng puso N'ya sa pagrebelde ko't paglaban!
Mahal na Makapangyarihang Diyos, sala ko'y nilimot Mo na.
Natiis Mo na lahat ng pagkarebelde ko
nguni't biyaya muli'y alay.
Batid na itinataas Mo, ako'y puno ng kahihiyan.
Lubhang 'di 'ko karapat-dapat sa'Yong pagmamahal!

14 Pebrero 2018

Alaga ng Diyos ang bawat tao sa lahat ng paraan

Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang DiyosAlaga ng Diyos ang bawat tao sa lahat ng paraan



I
Kadakilaan, kabanalan, dakilang kapangyariha't pag-ibig,
mga detalye ng kakanyahan at disposisyon ng Diyos
naibubunyag sa tuwing Siya'y nagpapatupad ng Kanyang gawain,
nakita sa Kanyang kalooban para sa tao,
natupad sa buhay ng sangkatauhan.

13 Pebrero 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Bukas na Pangangasiwa ng Diyos sa Sansinukob

Bukas na Pangangasiwa ng Diyos sa Sansinukob | Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


I
Kung mga bansa't tao'y babalik sa Diyos,
ibibigay Niya lahat ng yaman ng langit sa sangkatauhan,
at nang umapaw walang kapantay na yaman dahil sa Kanya,
walang kapantay na yaman dahil sa Kanya.

Hanggang ang dating mundo ay nananatili,
poot ng Diyos ay t'yak ipupukol sa mga bansa,
ipapaalam mga utos Niya sa sansinukob,
at dala'y pagkastigo sa lalabag nito.

Mga bituin, araw't buwan sa langit,
babaguhin ng Diyos lahat ng 'to.
Kalangitan ay 'di na gaya ng dati.
Lahat ng bagay sa mundo'y mababago.
Lahat maging ganap sa mga salita ng Diyos.
Babaguhin ng Diyos sa Kanyang salita.

05 Pebrero 2018

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Bumababa ang Diyos nang may Paghatol


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Bumababa ang Diyos nang may Paghatol  




I
Sa pagbaba sa bayan ng malaking pulang dragon,
hinaharap ng Diyos ang sansinukob
at ito'y nagsimulang mayanig.
Mayro'n bang lugar na 'di abot ng hatol Niya?
O nabubuhay sa Kanyang hagupit?
Sa'n man Siya magpunta
kinakalat Niya'y mga buto ng sakuna,
sa pamamagitan nito ay ibinibigay Niya
ang kaligtasan at pag-ibig Niya.
Nais ng Diyos na makilala Siya ng mas maraming tao,
makita at igalang ang Diyos na di nila nakita ng napakatagal,
ngunit Siya ngayon ay tunay.

24 Enero 2018

Sundan ang Diyos sa Baku-bakong Daan


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Sundan ang Diyos sa Baku-bakong Daan


I
Ialay 'yong sarili sa Diyos, sarili'y ilaan sa Kanya,
Iniwan ng pamilya, sinira ng mundo.
Hindi patag ang daan pagsunod sa Diyos.
Puso't kaluluwa'y 'nilagak sa paglawak ng kaharian ng Diyos.
Nakita ko pagpapalit ng panahon.
Tanggap ko'ng pagsapit ng saya't lungkot.
Upang kamtin kailangan ng Diyos, pagsasaayos Niya'y sinusunod.
Magdurusa buong buhay. Pasasayahin ang puso ng Diyos!
Magdurusa buong buhay. Pasasayahin ang puso ng Diyos!

21 Enero 2018

Awit ng Papuri | Kakanyahan ng Diyos Tunay na Umiiral



Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Kakanyahan ng Diyos Tunay na Umiiral


I
Ang kakanyahan ng D'yos ay 'di huwad.
Ang kariktan ng D'yos ay hindi huwad.
Ang kakanyahan ng D'yos ay umiiral;
'di ito nadadagdagan ng iba,
at tiyak na 'di nagbabago sa mga panahon, oras at lugar.

12 Enero 2018

Awit ng Pagsamba | Ang Pinakadakilang Pagpapala na Ipinagkakaloob ng Diyos sa Tao


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Pinakadakilang Pagpapala na Ipinagkakaloob ng Diyos sa Tao


 I
Sa kaganapan ng salita ng Diyos, kaharia'y nagkakahubog.
Sa pagbabalik ng tao sa normal, kaharian ng Diyos narito.
Mga tao ng Diyos sa kaharian,
babawiin n'yo buhay na laan sa sangkatauhan.
Ngayon, namumuhay kayo sa harap ng Diyos;
bukas, mamumuhay kayo sa Kanyang kaharian.
Lahat ng lupain punô ng sigla't galak.
Kaharian ng Diyos narito sa lupa.
Kaharian ng Diyos narito sa lupa.
II
Nagyeyelo'ng taglamig napalitan ng mundo na tagsibol buong-taon,
kung kelan 'di na harapin ng tao ang hirap o pagdurusa ng mundo.
Wala ng labanan ng mga tao, mga bansa'y wala nang digmaan.
Wala nang patayan, wala nang dugo.
Bukas, mamumuhay kayo sa Kanyang kaharian.
Lahat ng lupain punô ng sigla't galak.
Kaharian ng Diyos ay narito, kaharian ng Diyos narito sa lupa.
III
Diyos gumagalaw dito sa buong mundo,
nagtatamasa mula sa Kanyang trono.
Namumuhay Siya sa gitna ng mga bit'win,
mga anghel umaawit' sumasayaw sa Kanya.
Mga anghel 'di na umiiyak sa kahinaan nila.
Mga anghel ay nag-aawitan at nagsasayawan para sa Kanya.
Di na kailanman maririnig ng Diyos iyak ng mga anghel.
Mga anghel ay nag-aawitan at nagsasayawan para sa Kanya.
IV
Wala nang dadaing sa mga paghihirap.
Ngayon, namumuhay kayo sa harap ng Diyos;
bukas, mamumuhay kayo sa Kanyang kaharian.
Di ba ito pinakadakilang pagpapala na ibinigay Niya sa tao?
Mga tao ng Diyos sa kaharian,
babawiin n'yo buhay na laan sa sangkatauhan.
Ngayon, namumuhay kayo sa harap ng Diyos;
bukas, mamumuhay kayo sa Kanyang kaharian.
Lahat ng lupain punô ng sigla't galak.
Kaharian ng Diyos narito sa lupa.
Kaharian ng Diyos narito sa lupa.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:Ano ang Ebanghelyo ?

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan

 Ang Pagbabalik ng Panginoong Jesus

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.