Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pedro. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Pedro. Ipakita ang lahat ng mga post

05 Abril 2019

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Paano Nakilala ni Pedro si Jesus" (Tagalog Dubbed)


Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Paano Nakilala ni Pedro si Jesus" (Tagalog Dubbed)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa loob ng panahong sinundan niya si Jesus, pinagmasdan at isinapuso ni Pedro ang lahat ng bagay tungkol sa Kanyang buhay: Ang Kanyang mga kilos, mga salita, mga galaw, at mga pagpapahayag. Natamo niya ang isang malalim na pagkaunawa na si Jesus ay hindi katulad ng mga karaniwang tao.

14 Oktubre 2018

Tagalog Music-Kilalang-kilala ni Pedro ang Diyos

Pedro


I
Matagal nang tapat sa Diyos si Pedro,
pero kailanma'y di nagreklamo.
Maging si Job di n'ya kapantay,
lalong higit mga banal sa buong panahon.
Di lang niya hinangad na Diyos ay kilalanin,
pero makilala S'ya kapag nagpakana si Satanas.
Taon ng serbisyo napalugod ang Diyos;
Di s'ya makasangkapan ni Satanas.
Kilala ni Pedro ang Diyos,
kilalang-kilala ni Pedro ang Diyos.
Kaalaman niya tungkol sa Diyos, mas marami kaysa iba.

12 Oktubre 2018

Paano Nakilala ni Pedro si Hesus


Noong panahong si Pedro ay kasama ni Hesus, nakita niya ang maraming kaibig-ibig na katangian ni Hesus, maraming aspeto na karapat-dapat na tularan, at marami na nakapagtustos sa kanya. Bagaman nakita ni Pedro ang pagiging Diyos kay Hesus sa maraming paraan, at nakita ang maraming kaibig-ibig na mga katangian, sa simula hindi niya kilala si Hesus. Sinimulang sundan ni Pedro si Hesus noong siya ay 20 taong gulang, at nagpatuloy siya sa loob ng anim na taon. Sa panahong iyan, hindi niya kailanman nakilala si Hesus, nguni’t handang sundan Siya dahil lamang sa paghanga sa Kanya.

01 Oktubre 2018

Salita ng Diyos-Paano Nakilala ni Pedro si Jesus


Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Paano Nakilala ni Pedro si Jesus" (Tagalog Dubbed)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Sa loob ng panahong sinundan niya si Jesus, pinagmasdan at isinapuso ni Pedro ang lahat ng bagay tungkol sa Kanyang buhay: Ang Kanyang mga kilos, mga salita, mga galaw, at mga pagpapahayag. Natamo niya ang isang malalim na pagkaunawa na si Jesus ay hindi katulad ng mga karaniwang tao. Bagaman ang Kanyang itsura ay lubhang karaniwan, lipos Siya ng pag-ibig, malasakit, at pagpapaubaya sa tao. Lahat ng bagay na ginawa o sinabi Niya ay malaking tulong sa iba, at sa Kanyang tabi nakita at natuto ng mga bagay-bagay si Pedro na kailanman hindi pa niya nakita o nakamtan noong una.

16 Enero 2018

Salita ng Diyos | Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos  | Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol


  Noong siya ay kinakastigo ng Diyos, nanalangin si Pedro, “O Diyos! Ang aking laman ay masuwayin, at kinakastigo Mo ako at hinahatulan ako. Ako ay nagagalak sa Iyong pagkastigo at paghatol, at kahit hindi Mo ako nais, sa Iyong paghatol ay nakikita ko ang Iyong banal at matuwid na disposisyon. Kapag hinahatulan Mo ako, upang makita ng iba ang Iyong matuwid na disposisyon sa Iyong paghatol, ako ay nasisiyahan. Kung ito ay makapagtatanghal ng Iyong disposisyon, at magtutulot na ang Iyong matuwid na disposisyon ay makita ng lahat ng mga nilalang, at kung madadalisay nito nang higit ang aking pag-ibig sa Iyo, upang aking matamo ang larawan ng isa na matuwid, kung gayon ang Iyong paghatol ay mabuti, sapagka’t gayon ang Iyong mapagpalang kalooban. Batid ko na malaki pa rin sa akin ang mapanghimagsik, at na ako ay hindi pa rin naaangkop na lumapit sa harap Mo. Nais ko para sa Iyo na hatulan pa ako nang higit, kung sa pamamagitan man ito ng palabang kapaligiran o malaking mga kapighatian; sa paanong paraan Mo man ako hatulan, para sa akin ito ay napakahalaga. Ang Iyong pag-ibig ay napakalalim, at ako ay payag na ihain ang aking sarili sa Iyong kahabagan nang walang munti mang pagdaing.” Ito ang kaalaman ni Pedro pagkatapos niyang maranasan ang gawa ng Diyos, at ito rin ay isang patotoo sa kanyang pag-ibig sa Diyos. Ngayon, kayo ay nalupig na—nguni’t sa paanong paraan ang pagkalupig na ito ay naihahayag sa inyo? May mga taong nagsasabi, “Ang paglupig sa akin ay ang pinakamataas na biyaya at pagtataas ng Diyos. Ngayon ko lamang napagtanto na ang buhay ng tao ay hungkag at walang halaga. Ang mabuhay ay lubhang walang kabuluhan, mas gugustuhin ko pang mamatay. Bagaman ginugugol ng tao ang kanyang buhay sa pagmamadali, pamumunga at pagpapalaki ng henerasyon pagkatapos ng isa pang henerasyon ng mga bata, sa kasukdulan ay walang matitira sa tao. Ngayon, pagkatapos lamang na malupig ng Diyos ay nakita ko na walang kabuluhan ang pamumuhay sa ganitong paraan; ito ay tunay na walang-kahulugang buhay. Mabuti pang mamatay ako at matapos na ito!” Ang gayon bang mga tao na nalupig ay matatamo ng Diyos? Sila ba ay maaaring maging halimbawa at huwaran? Ang gayong mga tao ay mga aral sa pagiging walang-pakialam, wala silang mga hangarin, at hindi nagsisikap upang mapabuti ang kanilang mga sarili! Bagaman sila ay nabibilang sa nalupig, ang gayong mga tao na walang-pakialam ay hindi kayang gawing perpekto. Noong malapit na siyang mamatay, pagkatapos siyang magawang perpekto, sinabi ni Pedro, “O Diyos! Kung ako ay mabubuhay ng ilan pang mga taon, nais kong magkaroon nang higit pang dalisay at higit pang malalim na pag-ibig sa Iyo.” Noong siya ay ipapako na sa krus, nanalangin siya sa kanyang puso, “O Diyos! Ang Iyong panahon ay ngayon dumating, ang panahong Iyong inihanda para sa akin ay dumating na. Ako ay dapat maipako sa krus para sa Iyo, dapat kong dalhin itong patotoo sa Iyo, at ako ay umaasa na ang aking pag-ibig ay makatutugon sa Iyong mga kinakailangan, at na ito ay magiging higit pang dalisay. Ngayon, ang makayang mamatay para sa Iyo, at maipako sa krus para sa Iyo, ay umaaliw at nagbibigay-katiyakan sa akin, sapagka’t wala nang higit pang kasiya-siya sa akin kaysa makayang mapako sa krus para sa Iyo at mabigyang-kasiyahan ang Iyong mga kanaisan, at makayang ibigay ang sarili ko sa Iyo, maialay ang aking buhay sa Iyo. O Diyos! Ikaw ay lubhang kaibig-ibig! Kung tutulutan Mo akong mabuhay, lalo pa akong magiging handang ibigin Ka. Habang ako ay buhay, iibigin Kita. Nais kong ibigin Ka pa nang higit na malalim. Hatulan Mo ako, at kastiguhin ako, at subukin ako dahil ako ay hindi matuwid, dahil ako ay nagkasala. At ang Iyong matuwid na disposisyon ay nagiging higit na maliwanag sa akin. Ito ay isang pagpapala sa akin, sapagka’t naiibig Kita nang higit na malalim, at handa akong ibigin Ka sa ganitong paraan kahit na hindi Mo ako iniibig. Handa akong makita ang Iyong matuwid na disposisyon, sapagka’t mas lalo ako nitong binibigyang-kakayahan upang isabuhay ang isang makahulugang buhay. Nararamdaman ko na ang buhay ko ngayon ay higit na may kabuluhan, sapagka’t ipinapako ako sa krus para sa Iyong kapakanan, at napakahalagang mamatay alang-alang sa Iyo. Gayun pa man hindi pa rin ako nakakaramdam na nasisiyahan, sapagka’t lubhang kakaunti lamang ang nalalaman ko hinggil sa Iyo, batid ko na hindi ko ganap na matutupad ang Iyong mga iniaatas, at kakaunti lamang ang mga naibayad ko sa Iyo. Sa aking buhay, hindi ko nakayang ibigay ang buong sarili ko sa Iyo; malayo pa ako roon. Habang lumilingon ako sa sandaling ito, nararamdaman ko ang lubhang pagkakautang ko sa Iyo, mayroon na lamang ako ng sandaling ito upang bumawi mula sa lahat ng mga pagkakamali ko at lahat ng pag-ibig na hindi ko naibalik sa Iyo.”

21 Disyembre 2017

Natatanto na Tinatahak Ko ang Landas ng mga Fariseo


Mga patotoo't karanasan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Natatanto na Tinatahak Ko ang Landas ng mga Fariseo


Wuxin    Lungsod ng Taiyuan, Lalawigan ng Shanxi

    Ang isang bagay na palagi nating tinatalakay noon sa mga nakaraang pagbabahaginan ay ang mga landas na nilakaran nina Pedro at Pablo. Sinasabing si Pedro ay nagtuon ng pansin sa pagkilala sa kanyang sarili at sa Diyos, at isang taong kinasihan ng Diyos, samantalang si Pablo ay nagtuon lamang ng pansin sa kanyang gawain, reputasyon at katayuan, at isang taong kinasuklaman ng Diyos. Palagi akong natatakot na tahakin ang landas ni Pablo, na dahilan kung bakit karaniwan ay madalas kong binabasa ang mga salita ng Diyos tungkol sa mga karanasan ni Pedro para makita kung paano niya nakilala ang Diyos. Pagkatapos pansamantalang mamuhay nang ganito, nadama kong naging mas masunurin ako kaysa dati, ang hangarin ko para sa reputasyon at katayuan ay naging malamlam, at bahagya ko pang nakilala ang sarili ko. Sa panahong ito, naniwala ako na kahit hindi ako lubusang nasa landas ni Pedro, masasabi na naabot ko ang gilid nito, at kahit paano ibig sabihin nito hindi ako papunta sa landas ni Pablo. Gayunman, mapapahiya ako ng mga pagbubunyag ng salita ng Diyos.

10 Nobyembre 2017

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III (Ikatlong bahagi)

Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan, Kaharian, Diyos, Pedro, Biblia,


Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo III 

  

  Ang ilang mga pagsasamahang ito ay nagkaroon ng epekto sa bawat isang tao. Sa ngayon, sa wakas ay mararamdaman talaga ng mga tao ang tunay na pag-iral ng Diyos at ang Diyos ay totoong napakalapit sa kanila. Bagamat ang mga tao ay naniniwala sa Diyos sa maraming mga taon, hindi nila kailanman tunay na naintindihan ang Kanyang mga saloobin at mga ideya gaya nang naiintindihan nila ngayon, o tunay na naranasan ang Kanyang praktikal na mga gawa gaya nang nararanasan nila sa ngayon. Maging sa kaalaman o sa aktwal na pagsasagawa, karamihan sa mga tao ay natuto ng isang bagong bagay at nagkamit ng mas mataas na pagkaunawa, at napagtanto nila ang kanilang pagkakamali sa kanilang sariling mga paghahangad sa nakaraan, napagtanto ang kababawan ng kanilang karanasan at na masyadong marami ang hindi ayon sa kalooban ng Diyos, at naunawaan na ang pinakakulang sa tao ay ang kaalaman sa Disposisyon ng Diyos. Ang kaalamang ito sa bahagi ng mga tao ay isang uri ng madamdaming kaalaman; upang maabot ang makatwirang kaalaman ay kinakailangan ng unti-unting pagpapalalim at pagpapalakas sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan. Bago tunay na maintindihan ng tao ang Diyos, sa pansarili maaring masabi na sila ay naniniwala sa pag-iral ng Diyos sa kanilang mga puso, ngunit wala silang tunay na pagkaunawa sa mga tiyak na katanungan kagaya ng kung anong uri ng Diyos Siya talaga, ano ang Kanyang kalooban, ano ang Kanyang disposisyon, at ano ang Kanyang tunay na saloobin tungo sa sangkatauhan. Nailalagay nito sa malaking kompromiso ang pananampalataya ng mga tao sa Diyos—ang kanilang pananampalataya ay hindi makararating sa kadalisayan o pagka-perpekto. Kahit na ikaw ay nasa harapan ng salita ng Diyos, o nadarama mo na nakaharap mo na ang Diyos sa pamamagitan ng iyong mga karanasan, hindi pa rin ito masasabing lubos mo na Siyang naiintindihan. Sapagkat hindi mo nalalaman ang mga saloobin ng Diyos, o kung ano ang Kanyang iniibig at Kanyang kinamumuhian, kung ano ang ikinagagalit Niya at kung ano ang nakagagalak sa Kanya, wala kang tunay na pagkaunawa sa Kanya. Ang iyong pananampalataya ay itinayo sa isang pundasyon ng kalabuan at kathang-isip, batay sa iyong pansariling mga kagustuhan. Ito ay malayo pa rin sa tunay na pananampalataya, at ikaw ay malayo pa rin sa pagiging isang tunay na mananampalataya. Ang mga pagpapaliwanag sa mga halimbawa mula sa mga kuwento mula sa Biblia ay nagtulot sa mga tao na malaman ang puso ng Diyos, kung ano ang Kanyang iniisip sa bawat hakbang sa Kanyang gawain at bakit Niya ginawa ang gawaing ito, ano ang Kanyang orihinal na layunin at Kanyang plano nang Kanyang gawin ito, kung paano Niya nakamit ang Kanyang mga ideya, at kung paano Niya inihanda at binuo ang Kanyang plano. Sa pamamagitan ng mga kuwentong ito, makakamit natin ang isang detalyado, tiyak na pagkaunawa sa bawat partikular na layunin ng Diyos at bawat tunay na saloobin sa panahon ng Kanyang anim na libong taon ng gawaing pamamahala, at ang Kanyang saloobin tungo sa mga tao sa magkakaibang mga pagkakataon sa magkakaibang mga panahon. Ang pagkaunawa sa kung ano ang iniisip ng Diyos, kung ano ang Kanyang saloobin, at ang disposisyon na Kanyang ibinubunyag habang hinaharap Niya ang bawat sitwasyon, ay makatutulong sa bawat tao na lalo pang mapagtanto nang mabuti ang Kanyang pag-iral, at lalo pang madama nang mabuti ang Kanyang pagiging totoo at pagiging tunay. Ang Aking layunin sa paglalahad sa mga kuwentong ito ay hindi upang maunawaan ng mga tao ang kasaysayan ng Biblia, ni hindi upang tulungan silang makabisado ang mga aklat sa Biblia o ang mga tao rito, at lalong hindi upang tulungan ang mga tao na maunawaan ang nasa likod ng kung ano ang ginawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan. Ito ay upang matulungan ang mga tao na maunawaan ang kalooban ng Diyos, ang Kanyang disposisyon, at ang bawat maliit na bahagi Niya, at makamit ang isang mas tunay at mas wastong pagkaunawa at kaalaman ukol sa Diyos. Sa ganitong paraan, magagawa ng puso ng mga tao ang, paunti-unti, maging bukas sa Diyos, mapalapit sa Diyos, at maunawaan Siya nang mas mabuti, ang Kanyang disposisyon, ang Kanyang diwa, at makilalang mabuti ang tunay na Diyos Mismo.

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.