Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tinubos. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Tinubos. Ipakita ang lahat ng mga post

30 Setyembre 2019

Christian Movie Clips | "Ano Ba Talaga ang Kaugnayan sa Pagitan ng Pagiging Ligtas at Pagpasok sa Kaharian ng Langit?"


Christian Movie Clips | "Ano Ba Talaga ang Kaugnayan sa Pagitan ng Pagiging Ligtas at Pagpasok sa Kaharian ng Langit?"


Maraming taong naniniwala na sa pananalig sa Panginoong Jesus ay mapapatawad ang kanilang mga kasalanan, na naligtas sila ng kanilang pananampalataya, at bukod pa riyan kapag naligtas ang isang tao ay naligtas na sila magpakailanman, at kapag bumalik ang Panginoon mara-rapture sila at makakapasok sa kaharian ng langit! Pero sinabi ng Panginoong Jesus,

28 Enero 2018

Ang Pag-alam sa Layunin at Kabuluhan ng Bawa’t Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos


  3. Ang Pag-alam sa Layunin at Kabuluhan ng Bawa’t Isa sa Tatlong Yugto ng Gawain ng Diyos


  Nauugnay na mga Salita ng Diyos:


    Sa panahong ito, ang kabuluhan, layunin, at mga yugto ng gawain ni Jehova sa Israel ay upang simulan ang Kanyang gawain sa buong lupa, na, mula sa Israel bilang sentro, ay unti-unting lumaganap sa mga bansang Gentil. Ito ang prinsipyong batayan ng Kanyang mga ginagawa sa buong sansinukob—ang magtatag ng modelo at pagkatapos ay palawakin ito hanggang sa ang lahat ng tao sa sansinukob ay tumanggap ng Kanyang ebanghelyo. Ang mga unang Israelita ay mga inapo ni Noe. Ang mga taong ito ay pinagkalooban lamang ng hininga ni Jehova, at nakaunawa nang sapat upang pangalagaan ang mga pangunahing pangangailangan sa buhay, ngunit hindi nila alam kung anong uri ng Diyos si Jehova, o ang Kanyang kalooban para sa tao, lalong higit kung paano nila dapat pagpipitaganan ang Panginoon ng buong sangnilikha. Patungkol naman sa kung mayroong mga alituntunin at kautusan para sundin, at kung mayroong gawaing dapat gawin ng mga nilikhang nilalang para sa Manlilikha: Walang alam ang mga inapo ni Adan sa mga bagay na ito. Ang alam lang nila ay ang asawang lalaki ay dapat magpawis at magpagal upang tustusan ang kanyang pamilya, at na ang asawang babae ay dapat magpasakop sa kanyang asawang lalaki at magpanatili ng lahi ng mga tao na nilikha ni Jehova. Sa madaling salita, ang mga taong ito, na ang tanging mayroon lamang ay ang hininga ni Jehova at ang Kanyang buhay, ay walang alam sa kung paano sumunod sa mga kautusan ng Diyos o kung paano bigyang-kasiyahan ang Panginoon ng buong sangnilikha. Lubhang kakaunti ang kanilang naunawaan. Kaya kahit na wala namang baluktot o mapanlinlang sa kanilang mga puso at bihirang magkaroon ng pagseselos at pagtatalo sa kalagitnaan nila, gayunman wala silang kaalaman o kaunawaan kay Jehova, ang Panginoon ng buong sangnilikha. Ang alam lamang ng mga inapong ito ng tao ay kumain ng mga bagay ni Jehova, at tamasahin ang mga bagay ni Jehova, ngunit hindi nila alam paano magpitagan kay Jehova; hindi nila alam na si Jehova ang Siyang dapat nilang sambahin nang nakaluhod. Kaya paano sila matatawag na mga nilikha Niya? Kung ito ay ganito nga, ano ang mga salitang, “Si Jehova ay Panginoon ng buong sangnilikha” at “Nilikha Niya ang tao upang ang tao ay ipahayag Siya, luwalhatiin Siya, at katawanin Siya”—hindi ba kaya nasabi nang walang saysay ang mga iyon? Paanong ang mga taong walang pagpitagan kay Jehova ay maaaring maging patotoo ng Kanyang kaluwalhatian? Paano sila maaaring maging kapahayagan ng Kanyang kaluwalhatian? Ang mga salita kaya ni Jehova na “Nilikha Ko ang tao ayon sa Aking wangis” ay maging sandata sa mga kamay ni Satanas—na siyang masama? Ang mga salita kayang ito ay hindi maging tatak ng kahihiyan sa pagkalikha ni Jehova sa tao? Upang gawing ganap ang yugtong iyon ng gawain, si Jehova, pagkaraang likhain ang mga tao, ay hindi nagturo o naggabay sa kanila mula sa panahon ni Adan hanggang sa kay Noe. Sa halip, pagkaraan wasakin ng baha ang daigdig ay saka lamang Niya pormal na sinimulang gabayan ang mga Israelita, na mga inapo ni Noe at ni Adan din. Ang Kanyang gawain at mga pagbigkas sa Israel ay nagbigay sa Israel ng patnubay sa lahat ng bayan ng Israel habang sila ay namuhay sa buong lupain ng Israel, at sa ganitong paraan ipinakita sa sangkatauhan na si Jehova ay hindi lamang kayang hingahan ang tao, upang magkaroon siya ng buhay mula sa Kanya at magbangon mula sa alabok at maging nilikhang tao, kundi na Siya rin ay kayang sunugin hanggang sa maging abo ang sangkatauhan, at sumpain ang sangkatauhan, at gumamit ng Kanyang tungkod upang pamahalaan ang sangkatauhan. At, ganoon din, nakita nila na si Jehova ay maaaring pumatnubay sa buhay ng tao sa lupa, at magsalita at gumawa sa kalagitnaan ng sangkatauhan ayon sa mga oras ng araw at ng gabi. Ginawa lamang niya ang gawain upang ang Kanyang mga nilalang ay makaalam na ang tao ay nagmula sa alabok na pinulot Niya, at higit dito na ang tao ay nilikha Niya. Hindi lamang ito, kundi ang gawain na sinimulan Niya sa Israel ay upang ang ibang mga tao at mga bansa (na sa totoo lang ay hindi hiwalay sa Israel, kundi nagsanga mula sa mga Israelita, subalit nagmula pa rin kina Adan at Eba) ay makatanggap ng ebanghelyo ni Jehova mula sa Israel, upang ang lahat ng nilikhang nilalang sa sansinukob ay makapagpitagan kay Jehova at itangi Siyang dakila. Kung hindi sinimulan ni Jehovah ang Kanyang gawain sa Israel, ngunit sa halip, nang likhain na ang sangkatauhan, ay hinayaan silang mamuhay nang walang inaalala sa lupa, kaya sa ganyang kalagayan, dahil sa pisikal na kalikasan ng tao (ang ibig sabihin ng kalikasan ay hindi malalaman ng tao kailanman ang mga bagay na hindi niya nakikita, na ibig sabihin hindi niya malalaman na si Jehova ang lumikha sa sangkatauhan, at lalong hindi bakit Niya ito ginawa), hindi niya malalaman na si Jehova ang lumikha sa sangkatauhan o na Siya ang Panginoon ng buong sangnilikha. Kung nilikha ni Jehova ang tao at inilagay siya sa daigdig upang maging layon para sa Kanyang pansariling kasiyahan, at pagkatapos ay basta pinagpag ang alikabok sa kanyang mga kamay at umalis, sa halip na manatili sa kalagitnaan ng mga tao para bigyan sila ng patnubay sa loob ng ilang panahon, kung magkagayon ang lahat ng sangkatauhan ay babalik sana sa kawalan; maging ang langit at lupa at ang lahat ng hindi mabilang na mga bagay na Kanyang ginawa, at ang lahat ng sangkatauhan, ay babalik sa kawalan at higit pa ay yuyurakan ni Satanas. Sa ganitong paraan ang naisin ni Jehova na “Sa daigdig, iyon ay, sa kalagitnaan ng Kanyang nilikha, dapat Siyang may lugar na titindigan, isang banal na lugar” ay mabubuwag sana. At kaya, matapos likhain ang tao, na nagawa Niyang manatili sa kanilang kalagitnaan upang patnubayan sila sa kanilang buhay, at mangusap sa kanila mula sa kanilang kalagitnaan, lahat ng ito ay upang matupad ang Kanyang nais, at makamtan ang Kanyang plano. Ang gawain na ginawa Niya sa Israel ay nilayon lamang na isakatuparan ang plano na Kanyang inilagay sa lugar bago ang paglikha Niya ng lahat ng mga bagay, at dahil dito ang Kanyang pagkilos una sa kalagitnaan ng mga Israelita at ang Kanyang paglikha ng lahat ng mga bagay ay hindi salungat sa isa’t isa, kundi kapwa para sa kapakanan ng Kanyang pamamahala, Kanyang gawain, at Kanyang kaluwalhatian, at gayon din upang mapalalim ang kahulugan ng Kanyang paglikha sa sangkatauhan. Pinatnubayan Niya ang buhay ng mga sangkatauhan sa lupa ng dalawang libong taon pagkatapos ni Noe, na sa panahong ito ay tinuruan Niya ang sangkatauhan na unawain paano pagpipitaganan si Jehova na Panginoon ng buong sangnilikha, paano magpakaayos sa kanilang mga buhay at paano magpapatuloy sa pamumuhay, at higit sa lahat, paano kikilos bilang saksi para kay Jehova, sundin Siya, at bigyan Siya ng pagpipitagan, maging purihin Siya gamit ang musika tulad ng ginawa ni David at ng kanyang mga saserdote.

06 Enero 2018

Salita ng Diyos | Ang Katotohanan Ukol sa Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Katotohanan Ukol sa Gawain sa Kapanahunan ng Pagtubos


    
    Ang kabuuan ng Aking plano sa pamamahala, na sumasaklaw ng anim na libong taon, ay binubuo ng tatlong yugto, o tatlong kapanahunan: una, ang Kapanahunan ng Kautusan; ikalawa, ang Kapanahunan ng Biyaya (na tinatawag ding Kapanahunan ng Pagtubos); at panghuli, ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang aking gawain sa tatlong panahong ito ay nagkakaiba ayon sa kalikasan ng bawat panahon, ngunit ang bawat yugto ay tumutugma sa pangangailangan ng tao—o sa halip, ito ay nag-iiba batay sa mga panlilinlang na isinasagawa ni Satanas sa Aking pakikipagdigma laban dito. Ang layunin ng Aking gawain ay upang talunin si Satanas, upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan, upang ilantad ang lahat ng mga panlilinlang ni Satanas at sa gayon ay iligtas ang kabuuan ng sangkatauhan, na nasa ilalim ng kanyang sakop. Ito ay upang ipakita ang Aking karunungan at walang-hanggang kapangyarihan habang pagbunyag ang pagkakilabot ni Satanas. Bukod diyan, ito ay upang turuan ang Aking mga nilalang na makita ang kaibahan ng mabuti at masama, upang makilala na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay, upang makita na si Satanas ang kaaway ng sangkatauhan, ang pinakamababa sa mga mababa, ang masama, at upang gumawa ng pagkakaiba ng mabuti at masama, katotohanan at kasinungalingan, kabanalan at karumihan, kadakilaan at kababaan ng moral, na kasing liwanag ng araw. Sa ganitong paraan, ang mangmang na sangkatauhan ay maaaring maging saksi sa Akin na hindi Ako ang tumitiwali ng sangkatauhan, at tanging Ako lang—ang Maylalang—ang makapagliligtas sa sangkatauhan, ang makapagbibigay sa kanila ng mga bagay na ikasisiya nila; at kanilang malalaman na Ako ang Tagapamahala ng lahat ng bagay, at si Satanas ay isa lamang sa Aking mga nilikha, na nang lumaon ay kumalaban sa Akin. Ang Aking anim-na-libong-taong plano sa pamamahala ay nahahati sa tatlong yugto upang makamit ang mga sumusunod na resulta: upang mapahintulutan ang Aking mga nilalang na Aking maging saksi, upang malaman ang Aking kalooban, upang makita na Ako ang katotohanan. Kaya, sa panahon ng paunang gawain ng Aking anim-na-libong-taong plano sa pamamahala, ginawa Ko ang gawain ng kautusan, na siyang gawain ni Jehovah sa pangunguna sa mga tao. Ang ikalawang yugto ay upang pasimulan ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya sa mga nayon ng Judea. Si Jesus ang kumakatawan sa lahat ng mga gawain sa Kapanahunan ng Biyaya; Siya ay nagkatawang tao at ipinako sa krus, at inumpisahan ang Kapanahunan ng Biyaya. Siya ay ipinako sa krus upang tapusin ang gawaing mapantubos, upang wakasan ang Kapanahunan ng Kautusan at pasimulan ang Kapanahunan ng Biyaya, at kung kaya Siya ay tinawag na “Kataas-taasang Mamumuno”, ang “Alay para sa Kasalanan”, ang “Manunubos”. Kaya ang gawain ni Jesus ay naiiba sa nilalaman sa gawain ni Jehovah, kahit magkapareho sila ng prinsipyo. Inumpisahan ni Jehovah ang Kapanahunan ng Kautusan, itinatag ang himpilan, ang lupang tinubuan, ng Kanyang gawain sa lupa, at nagbigay ng mga kautusan; ang dalawang ito ay ang Kanyang mga tagumpay, na kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain ni Jesus ay hindi upang magbigay ng utos, kundi upang isakatuparan ang mga utos, sa gayon ay ibalita ang Kapanahunan ng Biyaya at tapusin ang Kapanahunan ng Kautusan na tumagal ng dalawang libong taon. Siya ang tagatuklas, ang nagpasimula ng Kapanahunan ng Biyaya, ngunit ang pagtubos ang nanatiling buod ng Kanyang gawain. Kung kaya ang Kanyang mga tagumpay ay may dalawang bahagi: ang pagbubukas ng bagong panahon, at pagkumpleto sa gawaing mapantubos sa pamamagitan ng pagpapapako Niya sa krus. At Siya ay umalis. Sa puntong iyon, dumating sa katapusan ang Kapanahunan ng Kautusan at pumasok ang sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya.

16 Disyembre 2017

AnSalita ng Diyos | Ang Kakanyahan at Pagkakakilanlan ng Tao

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos  |  Ang Kakanyahan at Pagkakakilanlan ng Tao


    Sa katunayan, sila ay hindi nabigo, at sila ay nagbabantay na sa nagáwâ na sa loob ng huling anim-na-libong taon magpahanggang ngayon, sapagka’t hindi Ko sila tinalikuran. Sa halip, dahil kinain ng kanilang mga ninuno ang “bunga”mula sa punò ng kaalaman ng mabuti at masámâ na ipinakita ng diyablo, tinalikuran nila Ako para sa kasalanan. Ang mabuti ay nabibilang sa Akin, samantalang ang masámâ ay nabibilang sa diyablo na nanlilinlang sa Akin alang-alang sa kasalanan. Hindi Ko sinisisi ang mga tao, ni winawasak Ko sila nang walang-awa o isinasailalim sila sa walang-awang pagkastigo, sapagka’t ang masama ay hindi orihinal na nabibilang sa sangkatauhan. Samakatuwid kahit na ang mga Israelitang yaon ay ipinako Ako sa krus sa publiko, sila, na naghihintay sa Mesias at Jehova at naghahangad para sa Tagapagligtas na si Jesus, ay hindi nakakalimot sa Aking pangako. Ito ay sa kadahilanang hindi Ko sila pinababayaan. Matapos ang lahat, ginamit Ko ang dugo bilang katibayan para sa tipan na itinatag Ko sa mga tao. Ang katunayang ito ay naging ang “dugo ng tipan” na iniukit sa mga puso ng mga kabataan at inosenteng mga tao, na parang ito ay itinatak, at gaya ng walang-hanggang kapwa-pag-iral ng langit at lupa. Hindi Ko kailanman dinaya ang mga malulungkot na kaluluwang yaon na Aking tinubos, natamo, at umiibig sa Akin nang higit kaysa sa diyablo pagkatapos Kong italaga at piliin sila. Samakatuwid, sila ay nananabik na inaasahan ang Aking pagbabalik at nananabik na hinihintay ang pakikipagtagpo sa Akin. Yamang hindi Ko kailanman binura ang tipan na itinatag Ko sa kanila sa pamamagitan ng dugo, hindi nakakagulat na sila ay sabik na naghihintay. Muli Kong huhulihin ang mga tupang ito na nawala nang maraming taon, sapagka’t palagi Kong minamahal ang mga tao. Dahil sa mga elemento ng kasamaan na naidagdag sa kabutihan ng tao, bagaman makakamit Ko ang mga kawawang kaluluwa na nagmamahal sa Akin at siyang minamahal Ko na, paano Ko maaaring dalhin sa Aking bahay ang mga masasamang yaon na hindi kailanman nagmahal sa Akin at kumilos na parang mga kaaway? Hindi Ko dadalhin sa Aking kaharian ang mga inapo ng diyablo at ahas na namumuhi, sumasalungat, lumalaban, sumasalakay, at sumusumpa sa Akin sa Aking kaharian, kahit na itinatag Ko ang tipan sa mga tao sa pamamagitan ng dugo. Dapat mong malaman kung bakit at para kanino Ko isinasakatuparan ang gawain. Ito ba ay mabuti o masama sa iyong pag-ibig? Kilala mo ba Ako talaga tulad ng pagkakilala nina David at Moises? Tunay ka bang naglilingkod sa Akin gaya ni Abraham? Totoo na ginagawa Kitang perpekto, subali’t dapat mo itong malaman: Sinong kakatawanin mo? Sino ang magkakaroon ng kapareho mong kinalabasan? Sa iyong buhay, mayroon ka bang masaya at masaganang ani sa pamamagitan ng pagkakaranas sa Akin? Ito ba ay masagana at mabunga? Dapat mong suriin ang iyong sarili. Sa maraming taon gumagawa ka para sa Aking kapakanan, nguni’t kahit kailan ba ay may nakuha kang anuman? Nababago ka ba o nakakatamo ng anuman? Bilang kapalit ng iyong karanasan sa paghihirap, nagiging katulad ka ba ni Pedro na napako sa krus, o gaya ni Pablo na pinabagsak at nakatanggap ng isang dakilang “liwanag”? Dapat mong mamalayan ang mga ito. Ako ay hindi patuloy na nagsasalita at nag-iisip tungkol sa iyong buhay na mas maliit pa kaysa buto ng mustasa, na kasinglaki ng isang butil ng buhangin. Sa tapat na pagsasalita, ang sangkatauhan ang Aking pinamamahalaan. Gayunpaman, hindi Ko isinasaalang-alang ang buhay ng tao, na minsan Ko nang kinamuhian nguni’t sa dakong huli ay pinulot Kong muli, bilang isang mahalagang bahagi ng Aking pamamahala. Dapat kang maging malinaw tungkol sa kung ano talaga ang inyong dating pagkakakilanlan at sinong pinaglingkuran ninyo bilang mga alipin. Samakatuwid, Ako ay hindi gumagamit ng mga mukha ng mga tao gaya ni Satanas bilang mga kagamitang panangkap upang pamahalaan sila, sapagka’t ang mga tao ay hindi mahahalagang mga bagay. Dapat ninyong maalala ang Aking pagtingin sa inyo sa pasimula, at ang tawag Ko sa inyo sa panahong iyon na kung saan ay hindi walang praktikal na kabuluhan. Dapat mong malaman na ang “mga sombrero” sa inyong mga ulo ay hindi walang batayan. Aking ipinalalagay na alam ninyong lahat na kayo ay hindi orihinal na nabibilang sa Diyos, subali’t kayo ay nahuli ni Satanas noong matagal na ang nakalipas at nagsilbi sa tahanan nito bilang matapat na mga tagapaglingkod. Matagal na ninyo Akong nakalimutan, dahil matagal na kayong nasa labas ng Aking bahay nguni’t nasa mga kamay ng diyablo. Yaong Aking inililigtas ay yaong Aking itinalaga matagal na ang nakalipas at natubos sa pamamagitan Ko, samantalang kayo ay kaawa-awang mga kaluluwa na inilagay sa gitna ng mga tao bilang isang naibukod sa panuntunan. Dapat ninyong malaman na hindi kayo kabilang sa bahay ni David o ni Jacob, kundi doon kay Moab, na siyang mga kasapi ng isang tribong Gentil. Sapagka’t hindi Ko itinatag ang isang tipan sa inyo, subali’t isinakatuparan lamang ang gawain at nagsalita sa gitna ninyo, at pinangunahan kayo. Ang Aking dugo ay hindi ibinuhos para sa inyo. Isinakatuparan Ko lamang ang Aking gawain sa gitna ninyo alang-alang sa Aking patotoo. Hindi ba ninyo nalaman iyan? Ang Akin bang gawain ay talagang gaya nang kay Jesus na nagdurugo hanggang kamatayan para sa inyo? Hindi ito katumbas ng halaga na nakayanan Ko ang gayong kalaking kahihiyan para sa inyo. Ang Diyos, na ganap na walang kasalanan, sa katunayan ay dumating sa isang lugar na gaya ng lugar para sa mga aso at mga baboy na sukdulang kasumpa-sumpa at nakakainis, at hindi maaaring tirahan ng mga tao. Gayunman, tiniis Ko ang lahat ng mga malupit na kahihiyang ito para sa kaluwalhatian ng Aking Ama at para sa walang-hanggang patotoo. Dapat ninyong malaman ang inyong asal at makita na kayo ay hindi mga anak na isinilang sa “mayayaman at makapangyarihang mga pamilya” kundi maralitang anak lamang ni Satanas. Kayo ay hindi mga tagapagtatag sa gitna ng mga tao, at kayo ay walang karapatang pantao o kalayaan. Kayo sa orihinal ay walang bahaging anuman sa mga pagpapala mula sa alinman sa sangkatauhan o sa kaharian ng langit. Ito ay dahil sa kayo ay nasa kailaliman ng mga tao sa sangkatauhan, at hindi Ko kailanman napag-isipan ang inyong kinabukasan. Samakatuwid, kahit na ito ay orihinal na bahagi ng Aking plano na ngayon ay magkakaroon Ako ng pananampalataya upang gawin kayong perpekto, ito ay isang wala pang nakagagawang gawain, sapagka’t ang inyong estado ay napakababa at sa orihinal ay wala kayong bahagi sa sangkatauhan. Hindi ba ito isang pagpapala sa mga tao?

28 Nobyembre 2017

Ang himno ng Salita ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ating Diyos ay Makapangyayari Bilang Hari


Ang himno ng Salita ng Makapangyarihang Diyos | Ang Ating Diyos ay Makapangyayari Bilang Hari


Makapangyarihang Diyos, Amang walang hanggan,
Prinsipe ng Kapayapaan,
S'ya'y naghahari bilang Hari ng lahat!
I
Makapangyarihang Diyos,
Amang walang hanggang,
Prinsipe ng Kapayapaan Diyos na Hari nating lahat!
Kanyang mga yapak sa Bundok ng Olibo, sa Bundok ng Olibo.
O kay ganda! Makinig! Tayong mga bantay itaas mga tinig,
Itaas ating mga tinig, tayo'y umawit,
pagka't sa Sion Diyos ay nagbalik.
Nasaksihan ng aming mga mata ang kapanglawan ng Jerusalem!
Sabay tayong umawit ng buong galak, pagkat tayo'y inaliw N'ya,
Tinubos N'ya ang Jerusalem.
Sa mga bansa'y pinamalas, ng Diyos ang bisig N'yang banal,
pinakita ang tunay na Siya.
Makikita'ng pagligtas Niya hanggang sa dulo ng mundo.

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.