Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos -Kingdom Praise Musical Drama

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na maghanap. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na maghanap. Ipakita ang lahat ng mga post

21 Enero 2019

3. Ang Kaligtasan ay Maaari Lamang Makamtan sa Pamamagitan ng Pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

  Nang si Jesus ay naparito sa mundo ng tao, dinala Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at tinapos ang Kapanahunan ng Kautusan. Sa panahon ng mga huling araw, ang Diyos ay muling naging katawang-tao, at nang Siya’s naging katawang-tao sa panahong ito, tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at dinala ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang lahat ng mga tumatanggap sa ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay madadala tungo sa Kapanahunan ng Kaharian, at personal na makakatanggap ng paggabay ng Diyos.

18 Enero 2019

Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao

Para Kanino Ba Nabubuhay Ang Tao

Noo'y 'di malinaw sa layon ng buhay, ngayo'y alam ko na.
Hinanap ko'y estado at kasikatan.
Mag-isang tinahak ang pansariling landas, nabuhay para sa 'kin lamang.
Sa dasal sambit dati'y magagandang salita,
pero ang buhay ko ay hindi akma.

16 Disyembre 2017

AnSalita ng Diyos | Ang Kakanyahan at Pagkakakilanlan ng Tao

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos  |  Ang Kakanyahan at Pagkakakilanlan ng Tao


    Sa katunayan, sila ay hindi nabigo, at sila ay nagbabantay na sa nagáwâ na sa loob ng huling anim-na-libong taon magpahanggang ngayon, sapagka’t hindi Ko sila tinalikuran. Sa halip, dahil kinain ng kanilang mga ninuno ang “bunga”mula sa punò ng kaalaman ng mabuti at masámâ na ipinakita ng diyablo, tinalikuran nila Ako para sa kasalanan. Ang mabuti ay nabibilang sa Akin, samantalang ang masámâ ay nabibilang sa diyablo na nanlilinlang sa Akin alang-alang sa kasalanan. Hindi Ko sinisisi ang mga tao, ni winawasak Ko sila nang walang-awa o isinasailalim sila sa walang-awang pagkastigo, sapagka’t ang masama ay hindi orihinal na nabibilang sa sangkatauhan. Samakatuwid kahit na ang mga Israelitang yaon ay ipinako Ako sa krus sa publiko, sila, na naghihintay sa Mesias at Jehova at naghahangad para sa Tagapagligtas na si Jesus, ay hindi nakakalimot sa Aking pangako. Ito ay sa kadahilanang hindi Ko sila pinababayaan. Matapos ang lahat, ginamit Ko ang dugo bilang katibayan para sa tipan na itinatag Ko sa mga tao. Ang katunayang ito ay naging ang “dugo ng tipan” na iniukit sa mga puso ng mga kabataan at inosenteng mga tao, na parang ito ay itinatak, at gaya ng walang-hanggang kapwa-pag-iral ng langit at lupa. Hindi Ko kailanman dinaya ang mga malulungkot na kaluluwang yaon na Aking tinubos, natamo, at umiibig sa Akin nang higit kaysa sa diyablo pagkatapos Kong italaga at piliin sila. Samakatuwid, sila ay nananabik na inaasahan ang Aking pagbabalik at nananabik na hinihintay ang pakikipagtagpo sa Akin. Yamang hindi Ko kailanman binura ang tipan na itinatag Ko sa kanila sa pamamagitan ng dugo, hindi nakakagulat na sila ay sabik na naghihintay. Muli Kong huhulihin ang mga tupang ito na nawala nang maraming taon, sapagka’t palagi Kong minamahal ang mga tao. Dahil sa mga elemento ng kasamaan na naidagdag sa kabutihan ng tao, bagaman makakamit Ko ang mga kawawang kaluluwa na nagmamahal sa Akin at siyang minamahal Ko na, paano Ko maaaring dalhin sa Aking bahay ang mga masasamang yaon na hindi kailanman nagmahal sa Akin at kumilos na parang mga kaaway? Hindi Ko dadalhin sa Aking kaharian ang mga inapo ng diyablo at ahas na namumuhi, sumasalungat, lumalaban, sumasalakay, at sumusumpa sa Akin sa Aking kaharian, kahit na itinatag Ko ang tipan sa mga tao sa pamamagitan ng dugo. Dapat mong malaman kung bakit at para kanino Ko isinasakatuparan ang gawain. Ito ba ay mabuti o masama sa iyong pag-ibig? Kilala mo ba Ako talaga tulad ng pagkakilala nina David at Moises? Tunay ka bang naglilingkod sa Akin gaya ni Abraham? Totoo na ginagawa Kitang perpekto, subali’t dapat mo itong malaman: Sinong kakatawanin mo? Sino ang magkakaroon ng kapareho mong kinalabasan? Sa iyong buhay, mayroon ka bang masaya at masaganang ani sa pamamagitan ng pagkakaranas sa Akin? Ito ba ay masagana at mabunga? Dapat mong suriin ang iyong sarili. Sa maraming taon gumagawa ka para sa Aking kapakanan, nguni’t kahit kailan ba ay may nakuha kang anuman? Nababago ka ba o nakakatamo ng anuman? Bilang kapalit ng iyong karanasan sa paghihirap, nagiging katulad ka ba ni Pedro na napako sa krus, o gaya ni Pablo na pinabagsak at nakatanggap ng isang dakilang “liwanag”? Dapat mong mamalayan ang mga ito. Ako ay hindi patuloy na nagsasalita at nag-iisip tungkol sa iyong buhay na mas maliit pa kaysa buto ng mustasa, na kasinglaki ng isang butil ng buhangin. Sa tapat na pagsasalita, ang sangkatauhan ang Aking pinamamahalaan. Gayunpaman, hindi Ko isinasaalang-alang ang buhay ng tao, na minsan Ko nang kinamuhian nguni’t sa dakong huli ay pinulot Kong muli, bilang isang mahalagang bahagi ng Aking pamamahala. Dapat kang maging malinaw tungkol sa kung ano talaga ang inyong dating pagkakakilanlan at sinong pinaglingkuran ninyo bilang mga alipin. Samakatuwid, Ako ay hindi gumagamit ng mga mukha ng mga tao gaya ni Satanas bilang mga kagamitang panangkap upang pamahalaan sila, sapagka’t ang mga tao ay hindi mahahalagang mga bagay. Dapat ninyong maalala ang Aking pagtingin sa inyo sa pasimula, at ang tawag Ko sa inyo sa panahong iyon na kung saan ay hindi walang praktikal na kabuluhan. Dapat mong malaman na ang “mga sombrero” sa inyong mga ulo ay hindi walang batayan. Aking ipinalalagay na alam ninyong lahat na kayo ay hindi orihinal na nabibilang sa Diyos, subali’t kayo ay nahuli ni Satanas noong matagal na ang nakalipas at nagsilbi sa tahanan nito bilang matapat na mga tagapaglingkod. Matagal na ninyo Akong nakalimutan, dahil matagal na kayong nasa labas ng Aking bahay nguni’t nasa mga kamay ng diyablo. Yaong Aking inililigtas ay yaong Aking itinalaga matagal na ang nakalipas at natubos sa pamamagitan Ko, samantalang kayo ay kaawa-awang mga kaluluwa na inilagay sa gitna ng mga tao bilang isang naibukod sa panuntunan. Dapat ninyong malaman na hindi kayo kabilang sa bahay ni David o ni Jacob, kundi doon kay Moab, na siyang mga kasapi ng isang tribong Gentil. Sapagka’t hindi Ko itinatag ang isang tipan sa inyo, subali’t isinakatuparan lamang ang gawain at nagsalita sa gitna ninyo, at pinangunahan kayo. Ang Aking dugo ay hindi ibinuhos para sa inyo. Isinakatuparan Ko lamang ang Aking gawain sa gitna ninyo alang-alang sa Aking patotoo. Hindi ba ninyo nalaman iyan? Ang Akin bang gawain ay talagang gaya nang kay Jesus na nagdurugo hanggang kamatayan para sa inyo? Hindi ito katumbas ng halaga na nakayanan Ko ang gayong kalaking kahihiyan para sa inyo. Ang Diyos, na ganap na walang kasalanan, sa katunayan ay dumating sa isang lugar na gaya ng lugar para sa mga aso at mga baboy na sukdulang kasumpa-sumpa at nakakainis, at hindi maaaring tirahan ng mga tao. Gayunman, tiniis Ko ang lahat ng mga malupit na kahihiyang ito para sa kaluwalhatian ng Aking Ama at para sa walang-hanggang patotoo. Dapat ninyong malaman ang inyong asal at makita na kayo ay hindi mga anak na isinilang sa “mayayaman at makapangyarihang mga pamilya” kundi maralitang anak lamang ni Satanas. Kayo ay hindi mga tagapagtatag sa gitna ng mga tao, at kayo ay walang karapatang pantao o kalayaan. Kayo sa orihinal ay walang bahaging anuman sa mga pagpapala mula sa alinman sa sangkatauhan o sa kaharian ng langit. Ito ay dahil sa kayo ay nasa kailaliman ng mga tao sa sangkatauhan, at hindi Ko kailanman napag-isipan ang inyong kinabukasan. Samakatuwid, kahit na ito ay orihinal na bahagi ng Aking plano na ngayon ay magkakaroon Ako ng pananampalataya upang gawin kayong perpekto, ito ay isang wala pang nakagagawang gawain, sapagka’t ang inyong estado ay napakababa at sa orihinal ay wala kayong bahagi sa sangkatauhan. Hindi ba ito isang pagpapala sa mga tao?

14 Disyembre 2017

Pelikulang Kristiano | Pananalig sa Diyos | Ano ang Dinadala ng Gawain at Pagpapakita ng Diyos sa Relihiyosong Komunidad?



Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos |  Pananalig sa Diyos | Ano ang Dinadala ng Gawain at Pagpapakita ng Diyos sa Relihiyosong Komunidad?


Panimula

Sa bawat panahon na nagkakatawang-tao ang Diyos at nagpapakita para gawin ang Kanyang gawain, malupit na sinusuway at binabatikos ng masasamang puwersa ni Satanas ang tunay na daan. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng digmaan sa loob ng espirituwal na mundo na humahati at naglalantad sa relihiyosong mundo. Sinabi ng Panginoong Jesus, "Huwag ninyong isiping ako'y naparito upang magdala ng kapayapaan sa lupa: hindi ako naparito upang magdala ng kapayapaan, kundi tabak" (Mateo 10:34). Noong nagpakita ang Panginoong Jesus at nagtrabaho sa Kapanahunan ng Biyaya, nahati sa maraming pangkat ang Judaismo. Sa pagpapakita ngayon at gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ang relihiyosong mundo ay sumasailalim sa malaking paglalantad; ang trigo at ang mga damo, ang mga tupa at ang mga kambing, ang matatalinong birhen at ang mga hangal na birhen, at ang mga mabuting lingkod at ang mga masamang lingkod—ay lahat inilantad, ang bawat isa sa kanilang sariling uri. Tunay na hindi maarok ang karunungan at kamanghaan ng Diyos!

ng Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Rekomendasyon:Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

04 Disyembre 2017

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na



Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang mga Araw ni Noe ay Dumating Na


Gunitain natin ang sangkatauhan sa kapanahunan ni Noe. Abala ang tao sa lahat ng uri ng masasamang gawain nang hindi iniisip ang pagsisisi. Walang nakinig sa salita ng Diyos. Ang kanilang katigasan ng ulo at kasamaan ay pumukaw sa galit ng Diyos at sa huli, nilamon sila ng sakunang dulot ng malaking baha. Tanging si Noe at ang kanyang pamilyang may walong miyembro ang nakinig sa salita ng Diyos at nakaligtas. Ngayon, sumapit na ang mga huling araw. Palala nang palala ang katiwalian ng sangkatauhan. Lahat ay sumasamba sa kasamaan. Ang buong mundo ng mga relihiyoso ay nagpapatangay sa agos ng mundo. Ni katiting ay hindi nila gusto ang katotohanan. Dumating na ang mga araw ni Noe! Para mailigtas ang sangkatauhan, nagbalik na muli ang Diyos upang gawin ang gawain ng paghatol sa mga huling araw sa sangkatauhan. Ito ang huling beses na inililigtas ng Diyos ang tao! Ano ang dapat piliin ng sangkatauhan?
Ito ay isang kuwento na batay sa tunay na buhay. Dahil paulit-ulit na tumanggi ang mga mamamayan ng Qingping County sa lalawigan ng Sichuan na tanggapin ang ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos, dalawang beses silang nagdanas ng sakuna. Sa Malaking Lindol sa Sichuan, maraming kapatid sa pananampalataya na naniwala sa Makapangyarihang Diyos ang mahimalang pinrotektahan ng Diyos at nakaligtas. May nakasaksi sa mga totoong pangyayaring ito: yaong mga tumatanggap at sumusunod sa Diyos at yaong mga tumatanggi at kumakalaban sa Diyos. Ang dalawang klaseng ito ng mga tao ay may dalawang magkaibang-magkaibang kinahinatnan!

Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Rekomendasyon:Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

03 Disyembre 2017

Paano Hahanapin mga Bakás ng Diyos


Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Paano Hahanapin mga Bakás ng Diyos


Yamang hinahanap natin bakás ng Diyos,
dapat hanapin kalooban N'ya,
hanapin mga salita at pagbigkas ng Diyos,
hanapin mga salita at pagbigkas ng Diyos.
Dahil kung nasa'n bagong salita N'ya,
naroon din ang tinig, ang tinig ng Diyos;
kung nasaan bakás ng Diyos,
naro'n gawa N'ya, naro'n gawa N'ya.
Kung nasaan pahayag ng Diyos,
naro'n pagpapakita, pagpapakita ng Diyos,
at kung nasaan pagpapakita ng Diyos,
naroon ang katotohanan, daan, buhay.

09 Nobyembre 2017

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Dagundong ng Pitong Kulog— Nangangahula Na ang Kaharian ng Ebanghelyo ay Lalaganap sa Buong Sansinukob

Ebanghelyo, Kaharian, Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, pananampalataya, maghanap,

Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Ang Dagundong ng Pitong Kulog— Nangangahula Na ang Kaharian ng Ebanghelyo ay Lalaganap sa Buong Sansinukob

    Pinapalaganap Ko ang Aking gawa sa mga bansang Gentil. Sa buong sansinukob ay kumikislap ang Aking kaluwalhatian; ang Aking kalooban ay nasa pagpapakalat ng mga tao, lahat ay pinakikilos ng Aking kamay at isinasagawa ang kilos na Aking pinapalaganap. Magmula ngayon, pumasok Ako sa isang makabagong panahon at dadalhin ang lahat ng tao sa ibang mundo. Kapag bumalik Ako sa Aking “lupang tinubuan,” magsisimula Ako ng isa pang bahagi ng gawa na nasa orihinal Kong plano, upang ang tao ay humayo nang higit pang malaman ang tungkol sa Akin. Isinasaalang-alang Ko ang sansinukob sa kabuuan nito at nakikita na[a] ito ay isang magandang pagkakataon para sa Aking gawa, kaya’t naglalakbay Ako paroon at parito upang gawin ang Aking bagong tungkulin sa tao. Tutal naman, ito ay isang bagong panahon, at nagdudulot Ako ng bagong gawa upang dalhin ang maraming tao na bago sa panibagong panahon at upang palayasin ang marami sa mga dapat Kong alisin. Sa bayan ng malaking pulang dragon, nagsasagawa Ako ng isang yugto ng Aking gawa na hindi maarok ng tao at magdudulot sa kanila na manginig sa hangin, pagkatapos noon ay marami ang tahimik na maaanod paalis sa pag-ihip ng hangin. Ito ay ang “giikan” na nais Kong linisin; ito ay ang Aking hangad at ito rin ay Aking plano. Ito ay dahil maraming masasamang nilalang ang tahimik na lumipat habang Ako ay kumikilos, ngunit hindi Ako nagmamadali na sila ay palayasin. Bagkus, marapat Ko silang hawiin sa tamang panahon. Pagkatapos lang noon Ako ay magiging bukal ng buhay, upang ang mga tunay na nagmamahal sa Akin ay makatanggap mula sa Akin ng bunga ng puno ng igos at ang samyo ng lila. Sa lupain kung saan naninirahan nang panandalian si Satanas, ang disyerto, ay walang purong ginto, kundi buhangin lamang. Sa harap nito, nagsasagawa Ako ng nasabing yugto ng Aking gawa. Dapat mong malaman na ang Aking nakukuha ay puro, pinong ginto, at hindi buhangin. Paanong mananatili ang mga masasama sa Aking pamamahay? Paano Kong pahihintulutan ang mga soro na maging peste sa Aking paraiso? Gumagamit Ako ng lahat ng posibleng paraan upang sila ay mapaalis. Bago mabunyag ang Aking kalooban, walang sinuman ang nakakaalam kung ano ang Aking nais gawin. Gamit ang oportunidad na ito, iwinawaksi Ko ang mga masasama, at napilitan silang Ako ay iwan. Ito ang Aking ginagawa sa mga masama, ngunit mayroon pa ring araw para sa kanila na maghandog ng kanilang serbisyo para sa Akin. Ang pagnanais ng tao para sa mga pagpapala ay malabis; sa gayon ay iginagalaw ko ang Aking katawan at ipinapakita ang Aking maluwalhating mukha sa mga Gentil upang ang mga tao ay manirahan sa isang mundo nang sila lang at hatulan ang kanilang mga sarili, habang winiwika Ko ang mga salita na dapat Kong sabihin at binibigyan ang mga tao ng kanilang pangangailangan. Kapag ang mga tao ay natauhan na, matagal Ko nang naisakatuparan at naipalaganap ang Aking gawa. Pagkatapos, dapat Kong ipahayag ang Aking kalooban sa mga tao, at simulan ang pangalawang bahagi ng Aking gawa para sa tao, hinahayaan ang lahat ng tao na sundan Ako nang malapitan upang makiisa sa Aking gawa, at hinahayaan silang gawin sa abot ng kanilang makakaya ang gawain kasama Ako na marapat kong isakatuparan.

22 Oktubre 2017

Tagalog Christian Movie 2018 | "Paghihintay" Clip tungkol sa Ebanghelyo (4)

Mga Pelikula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos | Tagalog Christian Movie 2018 | "Paghihintay" Clip tungkol sa Ebanghelyo (4)
Papaano na nakita niyang nagpakita ang Panginoon ngunit ayaw pa ring tanggapin ang pangalawang pagdating ng Panginoon? Papaano na palagi siyang naghihintay at nag-aabang para sa pagdating ng Panginoon, ngunit sa panahon ng kanyang kamatayan ay iiwan ang isang habambuhay na pagsisisi? Sasabihin sa iyo ng movie clip na ito ang mga sagot.
Pagpapahayag ng Bumalik na Panginoong Jesus

Kahanga-hanga na dumating na ang Makapangyarihang Diyos

Anong swerte na makilala ang nagkatawang-taong Diyos. Ang Cristo ng mga huling araw, nagpapakita at gumagawa.